21

14 8 3
                                    

Nakarating ako sa bahay at para akong lutang dahil sa mga sinabi ni Jillian sa akin kanina. Hindi ako nakapag-focus sa ini-announce ng mga teacher namin dahil doon. Pakiramdam ko ay lumilipad ang utak ko dahil sa lalim ng iniisip.

Agad akong nagdiretso sa aking kwarto at ibinagsak ang bag ko sa kama. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit at nahiga na sa kama. Hanggang ngayon ay lutang na lutang pa rin ang isip ko.

Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at binuhay. Nakita ko ang pamilyar na pangalan at bumalik ako sa katinuan nang makita ang pangalan niya. Pakiramdam ko ay nabuhay ang dugo ko dahil sa pangalan niya. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

Bumalikwas ako at binasa ang message niya.

Sam-body
:How's your day?

'Yan ang nakalagay sa text niya at may kung anong pakiramdam ang nanaig sa puso ko. Kinakamusta niya ako? Hindi ko inaasahan ito. Nagpasya akong tawagan siya dahil gusto kong marinig ang boses niya. Hala! Ano ba 'yong sinabi ko? Kagat ko ang labi ko habang nagri-ring ang cellphone ko.

"Hello?" saad niya nang sagutin ang tawag ko. Napalunok ako dahil nama-maos ang boses niya.

"Hi. Kamusta ka?" bungad ko at may sumilay na ngiti sa labi ko kahit na hindi ko naman siya kaharap.

"Better than yesterday," sabi niya at napanatag naman ang kalooban ko. Mabuti naman at nasa maayos na siyang kalagayan.

"Ikaw, kamusta ka?" tanong niya pabalik at nalukot naman ang mukha ko.

Dapat ko bang sabihin sa kanya na may problema ako sa isa kong subject? Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya.

"May problema ako sa isang subject at sa tingin ko ay bagsak din ang grade ko doon," malungkot kong sabi at huminga nang malalim.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at napanguso naman ako. Bakit niya ako pinagtatawanan?

"Bakit ka tumatawa?" tanong ko at muling ngumuso.

"You sound so problematic. You're not the only one who had a problem on our subject. Si Jillian nga sa lahat ng subject may problema. But, she remain calm dahil hindi pa naman end of the world kapag bumagsak 'yong grades mo. That's part of life. We fail but we learn from it," mahabang paliwanag niya at huminga naman ako nang malalim. Napaka-positive talaga ng pag-iisip niya. Sana ay ganoon din ang mindset ko.

"Cheer up, El. You can fix it naman 'di ba?" sabi niya at huminga naman ako nang malalim. Ano pa bang magagawa ko?

"Thank you," sinserong sabi ko.

Palagi niya na lang akong nili-lift up. Kaya ko pa ba na wala siya? Mukhang nasasanay na ako na palagi siyang nandiyan para sa akin. Mabuti ba 'yon o masama?

"No worries. Thank you pala sa pagtawag. Pero I need to end it na. Magpapahinga na muna ako. Medyo sumasakit ang ulo ko. Magpahinga ka na rin muna, El. Don't think your grade too much, okay?" sabi niya at napamaang naman ako.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now