14

21 9 7
                                    

Nandito kami ngayon sa isang mini mart upang bumili ng mga kakailanganin ko para sa pagluluto. Katatapos lang ng klase namin at dito na kami dumiretso ni Sam para mamili. Nalaman ni Mama na sasali ako sa talent show kaya naman binigyan niya ako ng budget. Kapag daw kulang pa ay magsabi ako sa kanya. Hindi ko na lang sinabi sa kanya na muntik na akong hindi makasali doon dahil sa ginagawa niya. Pero ayaw ko namang saktan si Mama kaya sinarili ko na lang. Gusto kong pagsabihan si Mama pero nahihiya ako dahil baka mag-away lang kaming dalawa.

Nasa harap na kami ng counter at pina-punch na ng cashier ang pinamili ko. Sa tingin ko naman ay sapat ang ibinigay ni Mama na budget.

"One thousand three hundred twenty eight po lahat," sabi ng cashier kaya agad akong kumuha ng pera sa wallet ko. Ibinigay ko na iyon sa cashier at   sinuklian niya na ako. Ibinigay niya na rin ang resibo at hinintay na lang namin na matapos ang bagger sa pag-aayos ng pinamili ko.

Hindi naman nagtagal at natapos na ang bagger kaya naman kinuha na ni Sam ang mga supot ng pinamili ko at nagsimula ng maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya. Nakalabas na kami sa mini mart at bigla siyang tumigil sa paglalakad.

"Mag-tricycle na tayo," sabi niya at nakita kong hinihingal na siya. Hala! Napagod ba siya?

"Okay ka lang?" tanong ko at tiningnan siya. Mukhang hindi siya okay. Parang hinahabol niya ang paghinga niya.

"Okay lang ako. Mabilis lang talaga akong mapagod," sabi niya at nag-iwas ng tingin. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay mayroon siyang itinatago.

"Wala ka namang hika?" tanong ko at tumingin siya sa akin.

"Wala," tipid niyang sagot at tumingin na ulit sa malayo.

May dumaan namang tricycle sa tapat namin at tumigil ito.

"Sasakay kayo?" tanong ng driver at tumango naman ako.

Nauna akong pumasok sa tricycle at pagkatapos ay ipinasok ni Sam sa loob ang mga pinamili namin at kalaunan ay pumasok na rin siya. Mas maayos na ang paghinga niya kumpara kanina. Mabuti naman at wala siyang hika. Akala ko ay magsusugod pa ako ng lalaki sa hospital e.

"Saan kayo?" tanong ng driver at tiningnan kami.

"Bermudez Village po," sagot ko at tumango naman ang driver.

Nagpatuloy ang byahe at tahimik lang si Sam. Marahil ay mayroon siyang iniinda sa katawan ngunit ayaw niya lang sabihin. Nag-aalala ako sa kanya. Sana naman ay wala siyang sakit.

"Stop staring," asik niya at napanguso naman ako. Nag-aalala na nga ako tapos susungitan niya pa ako.

"Tinitingnan ko lang kung okay ka," sabi ko at tiningnan niya ako. Nagtama ang paningin naming dalawa at napalunok ako dahil sa mga mata niya. His eyes screams power and authority. Maybe, because he's a Royale.

"Okay ako," tipid niyang sagot at naningkit naman ang mga mata ko.

"Hindi ako naniniwala," sabi ko at tiningnan niya naman ako. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin at nagkibit balikat siya pagkatapos.

"Nandito na tayo sa Bermudez Village, saan ba rito ang bahay niyo?" biglang tanong ng driver at napatingin ako sa paligid. Nasa Bermudez Village na nga kami.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now