26

21 8 8
                                    

Kasalukuyang kaming kumakain ngayon ni Sam. Tanghali na at grabe ang gutom ko. Kaaahon lang kasi namin sa dagat. Kanina pa kaming naliligo. Paano ay sabik na sabik talaga ako sa dagat. Ngayon lang kasi ulit ako nakarating sa beach kaya naman ganito ang pagkasabik ko. Dito sa cottage nagpahanda ng pagkain si Sam. Maraming pagkain ang nakahayin sa table namin at karamihan dito ay seafoods.

Kumuha kami ng cottage at mukhang libre na naman ito. Iba talaga ang nagagawa ng angkan na mayayaman. Walang hindi imposible sa kanila.

"Enjoy?" tanong niya at nag-angat ako ng tingin. Napalunok ako nang matuon ang paningin ko sa kanyang kabuuan. Wala kasi siyang damit pang-itaas at kitang-kita ko ang tubig na tumutulo sa katawan niya. Mariin akong pumikit at nang magmulat ako ay sa mukha na ni Sam ako tumingin.

"Distracted?" nakangising tanong niya at nag-init naman ang mukha ko. Nagbaba ako ng tingin dahil sa pagkapahiya. Nakita niya pa pala 'yon.

"Anong gusto mong gawin after nating kumain?" tanong niya at tiningnan ko naman siya.

"Magpatunaw ng kinain," simpleng sagot ko at napamaang naman siya. Ngunit ilang saglit ay masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.

"Pilosopo," saad niya at ako naman ang napamaang.

"Hindi ako pilosopo. Tama naman ang isinagot ko, ah? Magpapatunaw naman talaga, ah?" giit ko at nginiwian niya lang ako.

"Tsk! Lilibutin natin ang resort na ito. We'll going to take pictures for the memories," sabi niya at sinulyapan ang dala niyang camera sa gilid. Buti pa siya at mayroong camera. Alam kong hindi basta-basta ang camera na iyon dahil itsura palang nito ay mukhang mamahalin na.

Hindi naman nagtagal ay natapos na kaming kumain. Nagpasya na rin kaming magpalit ng damit matapos kumain. Ngayon ay nag-uumpisa na kaming maglakad sa buhanginan. Sa pagkakataong ito ay wala na akong tsinelas. Nakakarelax ang pagtapak sa buhangin.

"Hey! Look at me," sabi ni Sam at nag-angat naman ako ng tingin sa kanya, saktong tumunog naman ang shutter. Napanganga ako dahil kinuhanan niya pala ako ng picture ng hindi ko nalalaman.

"Hala! I-delete mo 'yan, Sam. Ang panget ko diyan. Baka epic 'yan," sabi ko at akmang lalapitan siya ngunit bigla siyang lumayo sa akin.

"No! Ang cute nga nito, e. We're not going to delete any single picture here. Whether it's epic or blur and what so ever," sabi niya sa maarteng tono at napanguso naman ako.

Alam kong hindi niya iyon ibibigay sa akin. Napakasama niya. Kapag nakita kong panget ako doon ay ibabato ko iyon. Pero syempre, biro lang iyon dahil baka kulang pang ibayad ang bahay namin sa nasirang camera.

"Hey, miss. Can you take a picture of us?" tanong ni Sam sa babaeng nakasalubong namin at napakurap-kurap naman ang babae nang makita si Sam.

"S-sure," nakangiting saad ng babae at ibinigay naman ni Sam ang camera niya.

Lumapit si Sam sa akin at nagulat ako sa ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na gulat na tiningnan siya. Kinabig niya lang naman ang bewang ko para magdikit kami. Hala ka!

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now