11

22 9 11
                                    

"Sa principal's office. We need equality. They're so unfair in making decisions and I don't want to see you cry, my majesty," seryosong sabi ni Sam at napamaang na lamang ako.

My majesty...

Napakasarap sa pandinig noon ngunit hindi ko magawang maging masaya sa mga oras na ito. Sobra akong nalulungkot dahil sa nangyari. At hindi ko rin alam ang gagawin ni Sam. Bakit kami pupunta ng principal's office? Baka kung ano lang ang mangyari kapag pumunta pa kami doon.

"Bakit tayo pupunta sa principal's office?" muling tanong ko at hindi naman siya kumibo.

Tinahak namin ang daan papunta sa principal's office. May kung ano sa dibdib ko habang mabilis kaming naglalakad. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa pagod o dahil sa kinakabahan ako.

Hindi naman nagtagal ay nasa harap na kami ng pinto ng principal's office at hindi na kumatok si Sam. Agad niyang binuksan ang pinto. Nakita kong naningkit ang mga mata ng principal at nagpapalit-palit ang tingin nito sa amin ni Sam. Binitawan ni Sam ang braso ko at naglakad palapit sa table ng Principal.

"Mr. Royale and Miss Mirinda, anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Ma'am Principal at napalunok naman ako.

Anong isasagot ko? Hindi ko naman alam kung bakit kami nagpunta ni Sam dito.

"We're here dahil gusto kong malinawan sa ginawa niyong desisyon. Bakit niyo siya inalis sa listahan ng participants na sasali sa talent show?" mariing tanong ni Sam at napakapit naman ako sa laylayan ng polo niya. Hindi niya dapat ginaganoon ang principal. Baka mamaya ay ma-suspend pa kaming dalawa.

"Naipaliwanag ko na kay Miss Mirinda ang lahat, Mr. Royale," nakakunot ang noong sabi ng principal.

"Dahil doon? Kaya niyo siya tinanggal? That was unfair! Anong kinalaman ng Mama niya sa pagsali niya sa talent show? Yes, we know na ilegal ang ginagawa ng Mama niya pero labas siya doon. Unless ang ipapakita niyang talent ay kalaswaan. Pero hindi naman ho 'di ba? Bakit niyo siya tinanggal? That was an invalid reason and decision of you and your co-teachers," mariing sabi ni Sam. Nakakuyom ang kanyang kamao habang sinasabi ang mga salitang iyon. Nanlaki naman ang mga mata ng principal dahil sa pagtaas ng boses ni Sam.

Bumibigat na naman ang pakiramdam ko dahil nadawit na naman ang pangalan ni Mama sa usapan na ito. Masakit para sa akin na ganoon kasama ang tingin nila kay Mama.

"Mr. Royale, kilala mo ba kung sinong kinakausap mo? I'm the principal of this school at kayang-kaya kong patalsikin ka sa paaralang ito. Hindi mo na ako iginalang. Nagpunta ka dito para ano? Para sigawan ako. We made our decision at hindi ikaw ang makakapagpabago noon," nagngingitngit na sabi ng principal at narinig ko naman ang pagsinghal ni Sam.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now