16

16 8 2
                                    

Nandito na kami sa loob ng cooking room at hinihintay namin na humudyat sila na magsimula na kami. Kinakabahan ako. Sana naman ay magkasya ang mga nakuha kong ingredients para sa mga lulutuin ko. Ang ginawa kasi nila ay bibigyan nila kami ng dalawang minuto para kuhanin lahat ng kakailanganin namin sa pagluluto. Kaya naman sobra akong kinakabahan dahil hindi ko alam ang mangyayari.

"Okay, lahat kayo ay may ingredients na. Kaya ngayon ay sisimulan na natin ang pagluluto. You need to prepare appetizer either cold or hot, sandwich, dessert either cold or hot and complete meal. We have a criteria for judging 30% for presentation, 50% for the taste,10% for the cleanliness and another 10% for the Personal Protective Equipment or PPE," mahabang paliwanag ng instructor at huminga naman ako nang malalim. Mabuti na lang at sigurado na ako doon sa 10% para sa PPE.

"You have one hour and thirty minutes to finish the task," dagdag pa ng instructor at mas lalo naman akong kinabahan. Sana ay magawa ko nang maayos ang pagluluto ko.

Hindi naman ako masyadong nahihirapan sa area ko dahil dito ginanap sa school namin ang talent show, kaya gamay ko na ang mga equipment dito. Nakakakaba dahil mamayang hapon ang awarding, kinakabahan ako para doon dahil baka mayroong mga umaasa na mananalo ako. Hindi ko naman hangad ang manalo, ang gusto ko lang ay maipakita ang talento ko. Hindi ako pwedeng umasa dahil twenty five participants ang kasali dito sa cooking category at ang paglalabanan namin ay apat na pwesto lamang.

"Your timer starts now!" sigaw ng instructor at kumabog naman ang dibdib ko. Keep calm, El. Kaya mo 'yan.

Nag-umpisa akong mag-isip ng pagkain na lulutuin ko. Nagsimula na akong maggayat ng mga ingredients at inayos ko na ito sa kanya kanyang lagayan. Sana naman ay maging maayos ang mga gagawin ko.

Mabuti na lang sa isang mesa ay nag-provide sila ng tag-iisang stove kaya naman hindi na namin kailangang magsiksikan. Mabuti na lamang din at malaki ang cooking room para magkasya ang dalawampu't limang kalahok.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at hindi alintana ang namumuong pawis sa aking noo. Mabuti na lamang at marami akong dalang tissue at towel.

"Hi!" dinig kong sabi ng katabi ko at hindi naman ako nag-abalang tingnan siya dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya.

"Ang sungit mo naman," muling sabi niya kaya naman napasulyap ako sa gawi niya at napamaang ako nang makitang sa akin siya nakatingin. Hala ka!

"A-ako ba ang kinakausap mo?" tanong ko at ngumiti naman siya. 

"Oo, ikaw nga. Ako pala si Evans. From East National High," pagpapakilala niya at inilahad ang kanyang kamay. Napatingin naman ako sa kamay niya at nagdadalawang isip kung aabutin ko ba iyon o hindi.

"El Damien from this school," pagpapakilala ko at tinanggap ang kamay niya. Nginitian niya lang ako at nagpatuloy na kami sa pagluluto.

Hindi ko inaasahang may magpapakilala sa akin sa kalagitnaan ng pagluluto namin. We are totally strangers on each other. Kahit nga iyong iba kong kasamahan na participants galing sa school na ito ay hindi ko kilala ang tatlo, mukhang galing sila sa kabilang section.  Isa lang ang kilala ko, si Samantha dahil kaklase ko siya pero hindi naman kami nag-uusap.

Mabilis na lumipas ang oras at mayroon na lamang kaming labing limang minuto. Mabuti na lamang at magpe-plating na lamang ako. Hindi ako ganoon kagaling sa pagpe-plating pero may alam din naman ako. Itinuon ko ang buo kong atensyon sa ginagawa at hinayaang i-apply ang aking nalalaman.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now