20

19 8 4
                                    

Sumapit ang gabi at hindi pa rin ako nakakatulog. Nagpapagulong-gulong na ako rito sa aking kama dahil may kung anong bumabagabag sa isipan ko. What should I do now? Hindi ako mapapakali kung hindi ko siya matatawagan.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na i-d-in-ial ang number ni Sam. Kagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nagri-ring ang cellphone ko. Ilang saglit lang ay sinagot niya na ang tawag. Huminga ako nang malalim at ini-loud speaker ang cellphone.

"Hello?" sabi niya sa namamaos na boses at napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko.

"Sam, kamusta ka?" tanong ko at ang puso ko ay hindi na naman magkaintindihan sa pagtibok.

"I'm a little bit fine," sabi niya at  nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti naman at maayos na siya.

"Makakapasok ka ba bukas?" tanong ko at narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya.

"Gusto ko pero hindi ako pinayagan ni Mom. I should rest daw tutal tapos na rin naman daw ang test," simpleng sabi niya at narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. I know that he really want to go to school pero tama naman iyong naging desisyon nang Mommy niya. Kailangan niya ngang magpahinga.

"Then do it. Magpahinga ka," sabi ko at may sumilay na ngiti sa labi ko. Ano ba 'yan? Bakit ba ako ngumingiti e hindi ko naman siya kaharap.

"Nasaan ka ngayon?" tanong niya.

"Nasa kwarto ko. Nakahiga sa kama," sabi ko at narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya. Hala! Kanina pa siya ah? Frustrated ba siya?

"Sabi ni Mom ay matulog na ako. So I need to end this call. Thank you for your concern," sabi niya at muli akong napangiti.

"Ay sige. Magpahinga ka na. Good night. Sleep tight and sweetest dreams," magiliw kong sabi.

"Good night. Sleep well and sweet dreams of me. Bye." sabi niya at natapos na ang tawag.

Napamaang naman ako dahil sa sinabi niya. Sweet dreams of him? Hala siya!

–––––

Kasalukuyan akong nasa room at i-a-announce na ni Ma'am kung sino-sino ang posibleng hindi pasa sa mga subject namin. Umaasa ako na wala akong bagsak na subject dahil sobra talaga ang ii-iyak ko kapag nangyari 'yon.

Huminga ako nang malalim at kasabay noon ang pagbanggit ni Ma'am sa pangalan ng mga kaklase ko na hindi pumasa sa mga subject namin. Nagagawa pang tumawa ng mga kaklase kong lalaki kapag nababanggit ang pangalan nila. Seryoso ba sila? Bagsak na nga sila tapos nakakatawa pa sila. Hindi ba sila nahihiya? At isa pa hindi lang naman sa isang subject sila bagsak. Halos limang subject ang ibinagsak nila.

Somebody Out ThereKde žijí příběhy. Začni objevovat