08

26 8 8
                                    

Sumapit ang alas dos ng hapon at oras na para umuwi. Agad kong isinukbit ang aking bag at naglakad na palabas ng classroom. Ngunit agad akong natigilan nang may maalala ako. Sabi ni Sam ay sabay na kaming uuwi ngayon. Pero nasaan siya? Hindi ba dapat ay nandito na siya at nakasandal sa kung saan man siya makakasandal?

Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko at kinuha ko naman ito. Binuhay ko at bumungad sa akin ang pangalan ng nag-text.

Sam-body
:Hintayin mo ako sa gate ng school. May binili lang ako.

'Yan ang text niya kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Akala ko ay hindi na kami sabay umuwi. Ilang araw pa lang kaming nagkakakilala at nagkakasama pero magaan na agad ang loob ko sa kanya. Hindi ko inaasahang magiging malapit kami sa isa't isa.

May ngiti sa labi ko habang naglalakad papunta sa gate ngunit bigla na lamang mayroong humila sa buhok ko.

Nagbuntong-hininga ako. Hapon na hapon ay mukha mabu-bully na naman ako.

"Not so fast, El. Hintayin mo ako," sabi ng pamilyar na boses at nilingon ko naman siya. Nakita ko si Jillian na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Jillian, ikaw pala 'yan. Akala ko ay mayroon na namang mam-bu-bully sa akin," sabi ko at nginiwian niya naman ako.

"Ano palang ginagawa mo rito? Akala ko ay kanina ka pa nakauwi," tanong ko at tiningnan siya ng may pagtataka.

"Kung hindi lang ako ti-next ng boyfriend mo ay kanina pa sana akong nasa bahay," sabi niya at napamaang naman ako. Boyfriend? Wala naman akong boyfriend.

"W-wala naman akong boyfriend, Jillian," sabi ko at napakamot pa sa ulo. Sino ba kasi ang tinutukoy niya? E, wala naman talaga akong boyfriend. Ni wala pa nga sa isip ko ang bagay na 'yon.

"Sus. Si Led ang nag-text sa akin. Anyways, he's my cousin," kaswal na sabi niya at napamaang naman ako.

Magpinsan sila? Nakakagulat naman 'yon. Hindi ko akalaing bigla niya na lang 'yong sasabihin sa akin. Kaya pala ganoon na lang sila kung mag-usap ay dahil sa magpinsan sila.

"Itikom mo na ang bibig mo, El. Magpinsan kami dahil inakit ni Mama iyong kapatid ng Daddy ni Led. You know, my mother is a prostitute kaya naman ginawa niya ang lahat para may mangyari sa kanila ni Daddy Leonido at ayun nabuo ako," bored na pagku-kwento ni Jillian at nakamaang pa rin ako. Kaya naman pala walang kumakanti kay Jillian dahil isa rin siyang Royale. Nakakamangha naman.

"Tara na sa gate at baka naroon na 'yon," sabi ni Jillian at nagsimula ng maglakad palayo. Ganito ba talaga ang mga Royale? Mahilig mang-iwan?

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon