33

25 7 4
                                    

Led Aviano Royale

"Boys, pasuyo naman. Palinis naman ako ng P.E room," sabi ng teacher namin sa P.E at hindi ko naman siya nilingon. Bahala siya diyan.

"Hoy boys! Kilos na. Lilinisin niyo lang naman 'yon. Hoy ikaw Nicollo, ikaw din Dave," sabi ng President sa room namin at hindi ko naman sila pinakinggan. I'm not really here to study or to learn. I'm here because I want to escape from reality.

"Yah! Sasama lang ako kapag sumama si Led. Hoy Led! Tara na!" sabi ni Dave at tiningnan ko siya. Nakangiti siya ng nakakaloko habang nakatingin sa akin.

"Kayo na lang. Bakit niyo pa ako isasama?" kunot noo kong sabi at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Hindi! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi niya at hinila ako patayo. Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko ginawa. Magkaibigan kami ni Dave at sadyang ganito lang siya. Wala na akong nagawa noong hinila niya na ako palabas ng room.

Sunud-sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko noong pumasok kami sa katabi naming room.

"Oh, 'yong gilid na 'yon ang linisin mo Led, ako dito sa gitna. Si Nicollo ang sa isa pang gilid. Start na boys!" mando ni Dave at walang gana akong sumunod sa iniutos niya. Inabutan niya ako ng walis at tinanggap ko naman. Walang gana akong nagsimula sa pagwawalis. Bakit ba naman isinama niya pa ako dito.

Habang nagwawalis ay may tipi ng papel akong nakita. Iba iba ang kulay noon at nangunot naman ang noo ko. Basura ba 'yon o hindi? Naglakad ako palapit doon at dinampot iyon. Binuklat ko nang binuklat ang bawat pahina at binasa ko na rin ang nilalaman ng bawat pahina. Nakakalungkot ang pinagdadaanan ng may-ari noon. Parang pinanghihinaan na siya ng loob.

Somebody Out ThereTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang