28

13 8 7
                                    

Mabilis na lumipas ang bawat araw at habang lumilipas iyon ay masaya ako. Nagsimula na ulit na magkaroon ng klase. Naayos ko na 'yong problema ko sa isang subject. Nagpirmahan na rin ng grade. Natuwa ako noong dumating si Papa at siya ang pumirma ng card ko. Sobrang saya ko dahil kahit hindi ko sinabi ay kusa siyang nagpunta para mapirmahan ang card ko. Siya naman kasi palagi ang pumipirma. Since elementary ay siya na ang umaattend sa mga meetings sa school. Nagsimula na rin ang third quarter. Kaunti na lang at malapit na akong makatapos.

May isa pa nga palang rason kung bakit ako masaya. Dahil bukas ay birthday ko na. Eighteenth birthday ko na bukas at nakausap ko na si Mama. Wala raw siya bukas pero naiintindihan ko naman. Sanay naman ako na i-celebrate ang birthday ko ng mag-isa. Pero mukhang hindi na naman ako mag-isa ngayon dahil iimbitahin ko si Sam.

"Anong iniisip mo? Bakit ka nakangiti?" tanong niya at tiningnan ko naman siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Iniisip ko ay 'yong birthday ko. Birthday ko na bukas, Sam," masaya kong sabi at hindi naman nagbago ang ekpresyon sa mukha niya. Hala siya! Wala ba siyang pakialam sa birthday ko?

"Alam ko," tipid niyang sagot at napamaang naman ako. Alam niya? Pero paano? Hindi ko naman sinasabi sa kanya.

"Paano?" naguguluhan kong tanong at tiningnan niya naman ako habang nakangisi siya.

"I'm a Royale. Lahat ng gusto kong malaman ay malalaman ko," sabi niya at napamaang naman ako. Hala! Kung ganoon ay wala palang maililihim sa kanya.

"Paano mo nalaman? Kanino mo nalaman?" tanong ko at nagkibit-balikat lang naman siya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi niya na sinagot ang tanong ko. Bakit ba kapag may mga itinatanong ako sa kanya ay ayaw niyang sagutin? Hays.

"Anong gusto mong regalo?" tanong niya at tiningnan ako. Natigilan naman ako dahil sa tanong niya. Bibigyan niya ba ako ng regalo?

"B-bakit mo tinatanong?" tanong ko pabalik at nginitian niya naman ako.

"Gusto ko lang malaman para alam ko na 'yong ibibigay ko sa 'yo," sabi niya at nalukot naman ang mukha ko.

"Hindi ka marunong magregalo ano?" tanong ko at tiningnan niya naman ako.

Siya lang iyong alam kong itinatanong ang gustong regalo. Dapat surprise 'yon. Pero pwede rin namang itanong, 'yong iba mga ay nagre-request pa ng ireregalo sa kanila.

"Hindi nga. Ikaw pa lang ang una kong reregaluhan," simpleng sabi niya at napamaang ako. Ako palang? Wala pa siyang ibang nareregaluhan?

"Hala! Seryoso ka? Kahit pamilya mo, hindi mo pa naregaluhan?" tanong ko at tumango-tango naman siya.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon