22

16 8 10
                                    

He's here.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" malakas kong tanong sa kanya at pinangunutan siya ng noo.

Naglakad ako papunta sa may gate at binuksan iyon. Matalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Grabe naman siya. Pumunta lang ba siya rito para samaan ako ng tingin?

"Ayaw mo ba akong makita?" seryosong tanong niya at nanlaki naman ang mga mata ko.

"W-wala naman akong sinabi," nauutal kong sagot at nag-iwas ng tingin. Kumakabog ang dibdib ko sa pagkakataong ito. Saan naman ba nanggaling ang tanong niyang iyon?

"Hindi naman 'yan ang sagot sa tanong ko. Tsk!" inis niyang sabi at sininghalan ako. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay ang bobo ko dahil sa sagot kong iyon.

"Sagutin mo ang tanong ko. Ayaw mo ba akong nandito?" pag-uulit niya at napalunok naman ako. Ano ba 'yan? Parang may gusto lang siyang malaman mula sa akin. Hays.

"Nandito ka na, e. May magagawa pa ba ako?" sabi ko at sinamaan niya na naman ako ng tingin. Hala! May sinabi ba akong mali? Kung nakakamatay ang masamang tingin ay patay na ako noong una palang kaming nagkita.

"Mali naman ang isinasagot mo, El. Sagutin mo 'yong tanong ko kanina. Ayaw mo ba akong nandito? Isang maling sagot pa at..." sabi niya sa naiinis na tono at pinutol iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sa malayo. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"At ano?" pagtatanong ko at tiningnan niya ulit ako nang masama. Hindi naman ako natinag at nakipagtitigan ako sa kanya.

"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko," sabi niya at isinilid ang kamay niya sa kanyang bulsa. Seryoso siyang tumingin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko kaya naman huminga ako nang malalim.

"Syempre ano... Ano... Gusto, syempre," sagot ko at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Ano ba naman itong lalaking ito, napaka-persistent sa mga tinatanong. Tiningnan ko siya at nakita ko ang ngisi sa labi niya.

"Magaling ka na ba? Bakit ka nandito?" tanong ko at nagbago naman ang timpla ng mukha niya. Nawala ang ngisi at tiningnan niya ako nang seryoso.

"Oo. Magaling na ako," walang gana niyang sabi at nakahinga naman ako nang maluwag. Mabuti naman at magaling na siya. Tiningnan ko ang itsura niya at gusto kong ngumiwi. Bakit siya balot na balot?

"Bakit ka balot na balot?" tanong ko at nagkibit balikat naman siya.

"Don't mind it," iritable niyang sabi at napanguso naman ako.

Somebody Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon