13

22 9 15
                                    

Nasa classroom ako at nakatulala lamang sa kawalan. Vacant namin ngayon at maya-maya lang ay uuwi na kami. Gulong-gulo ang isip ko dahil sa sinabi ni Sam kanina.

We are more than friends, so what are we? 

Nakakainis! Hindi ko alam ang dapat na isipin sa sinabi niyang 'yan.

"Hoy, El! Bakit ka tulala?" untag ni Jillian at kinurot pa ang tagiliran ko.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Hindi talaga ako sanay na mayroong kumakausap sa akin dito sa room.

"Mind sharing?" tanong niya at natigilan naman ako. Sasabihin ko ba sa kanya? Eh tungkol ito sa pinsan niya. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya sa mata.

"Ano kasi... May tinanong kasi akong tao. Tinanong ko kung friends na ba kami. Tapos ang sagot niya ay ‘we are more than that’ naguguluhan ako," frustrated kong sabi at nakita ko naman kung paano naningkit ang mata ni Jillian.

"Bakit ka naman naguguluhan?" tanong niya at huminga ako nang malalim.

"Kasi ano, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko kasi alam ang ibig niyang sabihin doon," sabi ko at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Bakit mo ako pinapahirapang mag-isip Sam?

"Nako! Huwag kang assuming, day. Baka best friend ang turing sa 'yo ng pinsan ko kaya more than friends," sabi niya na parang siguradong-sigurado sa sinasabi. Natigilan naman ako nang marealize ko ang sinabi niya. Pinsan? Alam niya?

"Paano mo alam na 'yong pinsan mo ang tinutukoy ko?" tanong ko at natawa naman siya. Anong nakakatawa? Nagtatanong lang naman ako. Napanguso ako dahil sa naging reaksiyon niya.

"Duh! Wala ka kayang ibang ka-close dito maliban kay Led. Kaya alam kong siya ang tinutukoy mo," sabi niya at ngumiti nang nakakaloko. Huminga naman ako nang malalim. Tama siya, si Led nga lang ang ka-close ko.

"Pero teka lang, Jillian, kapag ba sinabihan ka ng more than friends, best friends ang ibig sabihin no'n?" paninigurado ko at ngumisi naman siya.

"Oo, para sa akin. Bakit? Ano bang naiisip mo?" sabi niya at tiningnan ako nang nakakaloko.

"W-wala." nauutal kong sabi at nag-iwas ng tingin.

Nakakainis! Ayaw tanggapin ng sistema ko na ang ibig sabihin ni Sam sa more than friends ay best friends lang. That's not what I expected. Pero bawal namang mag-assume kaya iyon nga siguro 'yon. Huminga ako nang malalim at tumingin sa malayo. We are more than friends because we are best friends.

Somebody Out ThereWhere stories live. Discover now