Prologue

56.6K 879 470
                                    

PAP0

Prologue

Gusto kong lumipad.

Ano kayang pakiramdam ng may pakpak? Hindi na siguro ako male-late. Makakapunta na ako sa lahat ng lugar na gusto ko ng hindi kailangan ng pera o kaya hindi na ako mapapagod pa sa kakapadyak sa bike kong nagkakalas-kalas na.

Tsk, oo nga pala. Kailangan ko nga palang bumili ng bagong gulong. Naiiyak na 'ko sa gastos ko ngayon buwan!

"Huy..." mahina kong bigkas habang nakatingin sa langit kung nasaan ang ibon na pinapanood ko kanina pa. Papalipad na ito papalayo.

"Come back..." I raise both of my hands like I can reach it so it won't go. The truth is, I can only watch it go away.

Nakakainggit naman. Gusto ko rin lumipad. Magpabuhat sa hangin. Dalhin sa kung saan. Maabot ang langit.

Nabitin sa hangin ang dalawa kong kamay noong may marinig akong nag-pito sa baba. My eyes widen while looking at the Student Council President down below, signaling me to come down.

I cursed and due to my adrenaline, I hurriedly move out of the stone railing where I was sitting a while ago.

"Aray!" daing ko noong tumama ako sa upuan na tinungtungan ko kanina para makaupo sa railing ng rooftop.

Bumagsak ako sa sahig ng rooftop kaya agad kong sinapo ang likod ko habang ang isa ko namang kamay ay humawak agad sa stick ng lollipop na nasa bibig ko. Baka malaglag.

"Bwiset! Hindi ba sya busy!" I muttered, talking to myself as I stand up. Ang sakit ng pagkakahulog ko! "Ako na naman nakita!"

Nagmadali akong bumaba sa building. Tatlong palapag lang naman iyon kaya madali at mabilis lang sana. I was hoping that I could still run and escape from him before he gets into the building but I should have known better.

Kusa akong napa-preno sa pagmamadaling pagbaba sa hagdan papuntang unang floor noong nakita ko siyang nag-aabang sa baba noon. I sighed frustratingly, turn my head away, and scratch it even if it's not itchy.

Umayos ako ng tayo at kalmadong humarap sa kanya pagkatapos. Ngumiti ako at normal na naglakad pababa. Inalis ko sa bibig ko ang lollipop ko.

"'Di ka ba busy?" I asked, pretending that I'm innocent.

Foundation Week kaya! Alam kong pabalik-balik silang mga Student Council ngayon sa kung saan-saan! Madami ding tao dahil open ang school kahit sa mga outsiders. It's basically a no-rule-applied week! Kainis naman!

Nilakihan ko pa ang ngiti ko ngunit simangot lang ang binalik niya saakin.

"Ilang beses ko bang papaulit-ulitin na bawal tumambay sa rooftop?"

"May pumupunta naman kaya..." Excuse ko kahit alam kong sobrang babaw noon. Tumigil ako sa harap niya.

He was wearing his Student Council polo shirt while holding a clipboard in his right hand. As usual, he's sporting that authoritative and responsible good-looking guy look. Kaso nga lang, ako ang naiinitan habang tinitigan ko siya. Polo shirt, really?

"Staffs lang, Free. Staffs. Staff ka ba?" Tatlong beses niya pang pinaulit-ulit na parang hindi iyon papasok agad sa kokote ko.

"Paano kung Prof pala yung nakakita sa'yo o kaya guard? Edi offense ka? Can you shoulder an offense?" sunod-sunod niyang tanong.

Ngumuso ako. Actually, dapat nga ay offense na ako dahil siya ang nakakita siya saakin. He can submit that already in the Discipline Office. Pero tama din siya na hindi ako pwedeng magka-offense. Baka maglaho bigla ang tuition discount ko! Gastos na naman!

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now