PAP10

16.7K 539 164
                                    

PAP10

"Ninunapewachana naegayogitchana..." mahina at mabagal kong kanta habang nagpapabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ni hindi ko nga alam kung tama iyong binabanggit kong mga salita! Basta ganon kasi iyon sa utak ko!

Mula sa paglalaban ng mga tingin nila ay napunta iyon saakin.

"What are you doing?" kunot-noong tanong ni Cell.

"Singing an OST," sagot ko sa kanya bago ko nilingon ni Zeven. "Feeling ko nasa loob ako ng KDrama eh."

"What?"

Umirap ako at marahas na binawi ang dalawa kong kamay na hawak nila sa magkabilang gilid.

"What's the deal with you two, huh?" I asked, crossing my arms on my chest. Baka magkahilahan na naman. Sa susunod, mahahati na ako sa dalawa!

Sumulyap ako kay Miya na nakatayo ilang hakbang mula saamin. Zeven really stepped in to follow us. She looks like she doesn't know what she'll gonna do or where she will stand. Most of all, she looks... pained.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at binalik sa dalawa.

Zeven sighed when our eyes met. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Do you trust him?" tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot. Mula sa kanya ay naglandas ang mata ko papunta kay Cell. He stared back at me with interest. He doesn't even look bothered at all.

"Is that a big deal?" sagot ko habang nakatitig kay Cell. Binalik ko ang tingin ko kay Zeven pagkatapos. Nag-igting ang kanyang panga.

"Of cours-"

"She's safe with me. If that's what you wanna hear," singit ni Cell bago pa may masabi si Zeven.

Tinitigan siya ni Zeven ng matagal. Ang mga mata ko ay lumipad kay Miya noong tuluyan na siyang lumapit saamin. My eyes immediately went to her hand when it flew on Zeven's arm like she wanted to retrieve him.

"Alright."

Nagulat ako sa bilis noon, ilang segundo lang pagkatapos lumapit ni Miya. Nilipat ko ang tingin ko sa kanya.

Wow...

"Make sure that's true."

"It is."

"Free," tawag niya saakin. I cleared my throat and look at him, trying to maintain my enthusiasm even if I was a little lost.

"Hmm?" I said with a smile, stepping back towards Cell. "Wag ka ngang mag-alala! Alam ko kung sinong ang mga sinasamahan ko, okay!" I chuckled.

Natigil ako sa paghakbang noong maramdaman ko ang kamay ni Cell sa likod ko. Kusang pumihit ang ulo ko para tignan siya. Tumaas ang kilay niya saakin habang nakangisi. It felt like he's telling me that he caught me.

"Well, then," he said while looking at the two in front of us. Nanatili ang malawak na tingin ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at bigla na lang akong hinila palayo. I gasped because of his sudden movement but I let him drag me towards the other side of his car and make me enter the passenger seat.

Sinara niya ang pinto na nasa tabi ko bago bumalik upang umikot ulit. Napansin ko pa ang pag-uusap nila ni Zeven bago siya pumasok sa loob. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang sa makaupo na siya ng ayos sa tabi ko.

"You don't trust me, huh?" he teased.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagbuntong-hininga. Nagsimula kaming umadar at kahit isang beses ay pinili kong hindi sumulyap sa likod o sa labas. Why are you so lost, Free?!

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon