PAP9

15.1K 585 249
                                    

PAP9

"You did well in maintaining this..." sabi niya habang iniikot ang mata niya sa kwarto kung saan ko siya dinala.

It was one of our guest rooms here. Matagal na itong hindi nagagamit pero maayos pa din naman ang itsura. After all, I clean the house every week. Iyon ang madalas kong ginagawa tuwing weekend.

"The water faucets and shower are still working. Naglagay na ako ng towel, you can use it later."

"Wow, you're hospitable," nakangiti niyang sabi saakin.

Umirap ako sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanya. "Excuse me? May bayad lahat 'to!"

"Tayo dyan," utos ko at tinapik ang kanyang balikat. Umalis naman siya agad sa pagkakaupo sa kama. Tignan mo! Hindi pa nga maayos feel at home na agad!

"Kumain ka na?" tanong ko habang inaalis sa kama ang mga unan. I transferred it on the near table.

"Why? Are you worried?" he teased.

Tumaas ang kilay ko sa kanya at sarkastiko ko siyang tinignan. "Kasi wala akong ipapakain sa'yo."

Kinuha ko ang bagong bedsheet na dinala ko dito at binuka iyon mula sa pagkakatupi. Nilingon ko si Cell na nanatiling pinapanood ako. Seriously? Anong akala niya saakin, maid nya?

"Audience yarn?"

Kumunot ang noo niya. "Yarn?"

Huminga ako ng malalim at saglit na tumingin sa kisame. I recognized the fact that he's older than me and he's not much into slang from these days.

"Hawakan mo iyong kabilang dulo at tulungan mo ako."

"Saan?" sabi niya at naglakad papunta sa kabilang gilid ng kama.

"Hanapin mo!"

"Hahawakan ko lang?"

Napakamot ako ng ulo. Ganito ba ako dati? Hindi ko na maalala. I just know that it was hard... figuring how to do things just by myself. Para kasing overnight lang nangyari ang lahat. My world turned upside down. I lost everyone in just a blink of my eyes. Doon pa lang ay manhid na manhid na ako.

"Is it right?"

Sumulyap ako sa unan na kalong-kalong niya at kasalukuyang pinapalitan ng punda pagkatapos naming maglagay ng bedsheet.

"Baliktad!"

His eyes widen. "Ha?"

"Bat 'di mo binaliktad?"

"Kasi hindi mo naman sinabi?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Kalasanan ko?"

"Kasalanan ko," mabilis niyang sagot.

I nodded at him. Good. "Alisin mo na lang tapos baliktarin mo bago mo ibalik ulit."

He sighed. Umalis ako mula sa pagkakaupo sa kama at iniwan siya doon na inuulit ang ginagawa. I tried to test the aircon if it's still working well. Baka magreklamo pa ang senyorito mamaya!

"Babalik lang ako sa kwarto ko. Wag kang susunod ha!" banta ko.

"I don't know where your room is..." he said with a rhythm. He looks so peaceful while putting on the pillow cover. Bakit feeling ko ay nag eenjoy siya?

"It's two doors from here."

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin saakin at ngumisi. "Why did you tell it to me if you don't want me to barge in?"

Oo nga, bakit ko nga ba sinabi sa kanya?

Nagpeke ako ng ubo at masungit na inikot ang ulo ko paharap at hindi na sumagot sa kanya. I heard him chuckled. Binuksan ko na ang pinto para lumabas.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now