PAP18

14.3K 499 97
                                    

PAP18

Binasag ko ang titigan naming dalawa at inabot ang throw pillow na pinakamalapit saakin at hinagis iyon sa kanya. Tumawa siya at sinambot iyon gamit ang libre niyang kamay. Agad niya iyong binalik sa couch na nasa likod niya.

"You started it!" Akusa niya habang tumatawa.

"Anong ako? Pinupuri lang kita ah?!"

"It sounds like flirting to me," ngisi niya.

I let out an arrogant sneer to him to save my pride. Okay! Nakakatuwa talaga siyang tignan kanina! Pero hindi ako magpapatalo!

"Baka hindi mo kayanin kapag nilandi kita!"

"Oh?" he amusingly asked. Mas lalong lumaki ang ngisi nito. I gulped. Why do I feel like I put myself into greater trouble?

"Sige nga," hamon niya.

Nanlaki ang mata ko at umusod palayo noong lumapit siya saakin! Hindi ko alam pero pagdating sa kanya ay bigla na lang akong natatakot. Luh! Kahit ngayong inaamin ko sa sarili ko iyon ay hindi rin ako makapaniwala!

"Ayoko nga!"

"What..." he chuckled.

The thing is, I felt like when it comes to him, I will always end up the loser. Kahit nga palaging ako ang nagsisimulang mang-asar sa kanya ay ako pa rin ang nauuwing pikon sa huli!

"Balik don! Shoo!"

"Stop throwing things to me, you brute!" halakhak niya habang sinasalo ang mga throw pillow na hinahagis ko. Noong wala na akong unan na mahagip ay kinuha ko ang pencil case ko at iyon ang binato.

"May pinapagawa ako sa'yo, 'di ba?"

"Why is it my fault? Sino bang nagbabato?"

"Ako!"

"See? Sinong may kasalanan?"

"Ikaw!"

He laughed. Umirap ako noong wala na akong mahagip na gamit. Hindi ko na siya pinansin at humarap na lang ulit ako sa laptop ko. I need to rush this! Tapos may panggulo pa sa paligid ko!

Natahimik kaming dalawa ulit noong natapos na ang tawa niya. Mabilis lang naman kasi siyang nakakamove-on sa pagtawa, hindi katulad ko.

"How about Christmas?"

Natigil ako sa pagta-type noong marinig ko ang boses niya ulit. Naramdaman ko ang kanyang presensya sa tabi ko. He put down my pencil case on the coffee table, just beside my laptop.

"Anong meron?" tanong ko sa kanya, kalmado na ulit dahil nalipat na rin naman ang atensyon ko.

"Do you spend it alone?"

"Bat mo natanong?" I said, typing once again but with a slow pace so that I could also give him ample of my attention.

I felt him move beside me. Noong lumingon ako ay mas malapit na siya saakin-halos katabi ko na. Nilapit niya na rin iyong mga inaayos niyang bulaklak.

Nagkibit-balikat siya habang nagugupit ng tangkay ng bulaklak sa paraang sinabi ko sa kanya.

"I just saw what you're typing and it crossed my mind."

Lumingon ako sa laptop ko para tignan kung ano ang tinutukoy niya. Inaayos ko kasi iyong activity ko at iyong date doon. December. Kakatype ko lang noon. Marahil ay iyon ang nakita niya noong lumapit siya saakin.

Right. That also reminds me, Christmas is indeed near. Pero...

"Kala Zeven ako palagi nagpapasko at bagong taon..." mahina kong sagot.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon