PAP13

14.6K 421 177
                                    

PAP13

I stared at him unbelievably. I know that there was a time I lived not dazzled by that kind of amount. Pero matagal na iyon! Ngayon ay bawat piso para saakin ay importante na!

Tsaka... what the hell? Why would he give that much to me?!

"I stayed for 4 days, Free. That's even less than the amount I'll pay if I stayed on the suite I usually get on hotels."

"Hindi naman ako hotel!"

Gets ko naman kung anong sinasabi niya! He must be talking about those luxury suites! Obviously, that would cost a lot! Pero kumpara mo naman ang bahay ko doon? Siya pa nga ang bumili ng mga supplies ko nung nakaraan eh. Siya din ang nagluluto at naglilinis ng room na pinahiram ko sa kanya! Asa sya kung lilinisin ko 'yon!

"It's just the same."

"Paanong the same?!"

"Ayaw mo ba?"

Natahimik ako at hindi agad nakasagot. Of course... I like it.

Syempre, pera 'yon eh! Sinong hindi matutuwa doon? Like duh? Solve halos lahat ng problema ko kapag may pera ako! Pero hindi ibig sabihin noon ay tatanggapin ko iyon. Hindi naman kasi ganon kakapal ang mukha ko. Pakiramdam ko ay hindi akin iyon at hindi worth it na makatanggap ako ng ganoong kalaki.

After all, having him in the house felt...

Nag-init ang dalawang pinsgi ko at hindi ko tinuloy ang nasa isip ko.

"Kahit na!"

He smirked at me. "Are you sure? Took you so long to respond, huh?"

"Bwiset ka! Ibabalik ko nga sa'yo!"

"Just keep it. I enjoyed my stay, anyway."

"Seryoso kasi, Cell!"

"Nakikipagbiruan ba ako?"

I groaned. "Ang hirap mo kausap!"

Tinitigan niya ako ng may halong mangha at gulat.

"Ako?" tanong niya sa sarili.

Inirap ko ang mata ko. "Ay hindi, ako," sarkastiko kong sabi.

He nodded. "Good that you know."

Frustrated akong lumingon sa kaliwa ko habang iniikot ang mata.

"Let's go. I send you to your work. I think you have stories for me?" Nakataas ang kilay niyang tanong saakin habang nagkapinta ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

Chismoso!

"May bike ako."

"Iwan mo na lang."

Napakamot ako ng ulo. Naman, nakalabas na ako ng school eh!

"Bilis na. Shouldn't you follow what I say to you?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't you dare use your money against me. Binabalik ko naman sa'yo ah! Sapakin kita eh!"

Humalakhak siya habang nakatingin saakin. Bwiset! Eto na naman siya na mukhang enjoy na enjoy na naman sa inis ko!

"I'm kidding! C'mon, didn't you miss me?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "At bakit naman kita mami-miss?"

Ngumisi siya. "Parang kanina lang halos tumakbo ka na saakin?"

"You're enjoying this, aren't you?" I asked, annoyed and sarcastic.

Muli siyang tumawa. "I always enjoy when it's you..." Wala sa sarili niyang sagot sa gitna ng tawa niya.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon