PAP32

13.3K 440 101
                                    

PAP32

"Wow, finally!" bigkas ni Mori noong mahuli ako na tinitigan ang singsing na nasa aking daliri. Tumabi siya saakin at sinabayan ako sa pagtingin nito. Hinawakan niya pa ang kamay ko para ilapit sa mukha niya ang singsing ko.

She made a long 'ah' sound while shaking her head and looking so impressed.

"As expected, a Legrand."

Tumawa ako noong marinig ko ang naging kasunod niyang komento. In my fourth finger lies a pearl ring with surrounding diamonds beside it. Kanina pa attracted ang mga mata ko dito. It symbolizes that I am indeed married already. Hindi ba ako nananaginip?

"Ganda!" Mori commented again and put my hand down. "Mrs. Legrand," she teased.

I hissed at her while hiding my smile. Tinulak ko siya palayo saakin. Hindi naman siya nagreklamo. Akala ko nga ay aasarin niya pa ako dahil hindi naman siya commonly nagpapatalo ngunit sumulyap siya saglit sa likod ko, ngumiti, bago kumaway saakin habang umaatras palayo.

Agad akong napalingon sa likod ko dahil sa ginawa niya. I smiled when I saw Cell walking towards me. Ngumiti din siya saakin.

"Do you like it?" tanong niya agad noong tumigil siya sa harap ko.

Tumaas ang dalawa kong kilay. My god, bakit ang liwa-liwanag niya sa mga mata ko?

"Hmm?"

Kinuha niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing na pinagmamasdan namin ni Mori kanina. Bumaba doon ang tingin ko at agad nahagip ng mga mata ko ang kamay niya kung saan naroon din ang wedding ring na isinuot ko sa kanya. I secretly smiled.

Hindi ko alam na kahit singsing lang pala ang makita ay nakakakilig na din!

"This ring. I tried my best to look for the one that suits you best..."

"Suits me best?" ulit ko.

Tumango siya at tinaas ang tingin saakin mula sa singsing. Hindi niya binitawan ang kamay ko.

"When I saw this ring, I thought it would be perfect on your finger."

"Kamusta naman?" tanong ko sa kanya at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Tinaas ko ang kamay ko at inilapit iyon sa mukha ko. I smiled like I need to pose for a picture while showing him my hand.

Tumawa siya habang pinapanood ako at muling hinuli ang kamay ko. "Just like what I imagined..." Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang magpatak ng halik doon.

"My one percent."

Hindi ko napigilan ang halakhak ko noong marinig ko iyon. I didn't even have to think what about that line. Sinabi niya kasi kanina sa vow niya na ito daw ang simbolo ng lahat ng pangako niya. He even mentioned that one time where he asked for another one percent of trust to him if I'm still in 50-50 about us.

'It seems like that one percent is more than enough for me', he even said.

"Do you know what that one percent means to me, baby?"

His eyebrow twitched. Kumislap din ang kanyang mga mata at sa simpleng isang tanong na 'yon ay napukaw ko ang buong atensyon niya.

"What?"

"The winning side," I said and held his hand. Hinila ko siya upang magsimula na kaming maglakad papunta sa couch.

We only have a small celebration after the wedding. I have already changed into a more comfortable dress. Kung sino ang nandito kanina sa kasal ay sila pa rin ngayon ang nandito. Mori is in the kitchen, probably. Zeven excused himself a while ago to answer a call outside. Nasa labas din ata iyong secretary ni Cell.

Pearl and PetalsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin