PAP11

14.9K 517 149
                                    

PAP11

"Good morning..."

Agad kong ibinababa ang dalawa kamay kong inunat ko pa habang pababa ako sa hagdan noong marinig ko ang boses na iyon.

It was weird. To have someone waiting for me after work and to see the same face just after I woke up. Sobrang nasanay na ata talaga akong mag-isa kaya kahit minsan ay nagugulat pa din ako na may bigla na lang magsasalita sa paligid ko.

"Wala kang pasok? I cooked breakfast."

Tinaas kong muli ang dalawa kong kamay, hindi na para mag-unat kung hindi para itali ang buhok ko. I used the black pony that I have in my wrist. Humikab ako habang naglalakad pababa.

"Uuwi ka na, diba? Anong oras?" tanong ko sa kanya habang nakasunod sa kanya na naglalakad na papunta sa kusina.

"Ngayon na? After eating."

"Oh? 'Di ka na maliligo?" simple kong tanong. "Yuck."

Lumingon siya saakin at sinamaan ako ng tingin. Tumawa ako. Napagtanto ko na ngayon na imposible talaga siyang maasar gamit ang mga mabibigat na bagay. But! He's easily annoyed even with the most little thing that he doesn't need to be mad about.

"Wag kang kakain."

"Lumayas ka dito," balik kong banta sa kanya.

"Oo nga."

Lalagpasan ko na sana siya sa paglalakad ngunit hinila niya ako pabalik sa tabi niya. I groaned and just continued walking that way.

"Umagang-umaga!"

"Sino ba?"

I rolled my eyes. Whatever.

Umupo ako sa stool ng bar counter kung saan nakahanda ang niluto niya. It was all fried. Expected ko na iyon dahil noong unang beses niyang magluto ay sinabi niyang prito lang daw ang alam niya.

Hindi naman ako nagreklamo. Sino ba naman ako? Ako nga, marunong magluto pero ayaw magluto, diba?

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na ring maghanda ng kakainin niya. Sanay siyang heavy meal ang breakfast niya. Kaya pala noong unang araw ay halos halungkatin niya na ang kusina para maghanap ng pagkain. Pero ang weird lang din dahil noong bumili kami ng pagkain ay pinadala rin naman niya saakin lahat noon?

"Tapos ka na sa trabaho mo?"

"What?" mukhang nagulat na tanong niya saakin. "Trabaho?"

"Work!" I translated.

Kumurap siya bago nagpatuloy sa paglalagay ng fried rice sa kanyang plato.

"I know that. I just spaced out," sabi niya at inalis ang tingin saakin. "I think so..."

"I think so? Pwede bang sagot 'yon?"

Nagkibit-balikat siya. "Let's just say that that's it for now. But there's still a long way before it finished."

"Ano ba 'yon?"

"Do you wanna see? I'll bring you next time I come back."

"Babalik ka pa?!"

Natigil sa hangin ang kutsara niyang may laman na at isusubo na lang sa kanyang bibig. His lips parted like he's at awe-for a bad reason. He looks offended! I like it!

Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya. Ako mismo ang naggabay doon para ipagpatuloy niya ang pagkain habang tumatawa.

"This is all I get after cooking for you?" sabi niya pagkatapos malunok ang sinubong pagkain.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now