PAP14

14.1K 528 120
                                    

PAP14

"Paa," nakasimangot kong sita sa bwisita kong upong-upo sa sala at nakakrus pa ang mga hita habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Walang lingon niya inisod ang kanyang paa para mapadaanan ko ng walis.

Noong matapos ko iyong gawin ay inambahan ko siya gamit ang tambo na hawak ko. Ang aga-aga nanggugulo na agad!

"Bat ba ang aga mo dito ha!"

"It's already 11 am. Ikaw ang tanghali na."

"Ay sorry naman po ha? 'Di pwedeng ma-late ng gising? Weekend naman ah!"

Tsaka ngayon lang din ako nakatulog ng maayos mula sa sunod-sunod kong halos walang tulog!

Wala pa nga ako sa ulirat noong nakita ko siya sa labas ng bahay! Apparently, napaaga daw ang punta niya kumpara sa schedule ng ka-meeting niya at kailangan niyang magpalipas muna ng oras. And he chose to be here. Kaya ayan, imbes na mapayapa akong naglilinis ay may panggulo!

"Have you eaten?"

"Di pa. Mamaya nang lunch."

"Shall I order? What do you want?"

Tumigil ako sa pagwawalis at lumingon sa kanya.

"Dito ka pa din ba maglu-lunch? Anong oras ba meeting mo?"

"Around 1..."

My forehead knotted. "Eh bat ang aga-aga mo?!"

Nagkibit-balikat siya bilang sagot. Akala ko naman ay saglit lang iyong "napaaga" niya! Hindi naman pala minuto lang! Ilang oras pa 'yon!

"I don't have any schedule than that today."

"Kahit na! Sala ka din eh! Kapag male-late na, ayos lang kasi hihintayin naman daw siya. Kapag naman hindi, sobrang aga naman!"

He chuckled. Lumingon ulit ako sa kanya para lang irapan siya.

"What!" tawa niya.

"Ewan ko sa'yo! Bahala ka dyan!"

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at hindi na siya pinansin. Ayokong tignan siya ng tignan habang nandito siya sa bahay. Baka tumatak na naman sa isip ko at manibago na naman ako kapag wala siya. Ganon kasi yung naramdaman ko noong unang araw na mag-isa na ulit ako.

"Shall I cook?"

"Magpi-prito ka na naman! Tanghali na eh!"

"Ano nga kasing gusto mo?"

"Bahala ka!"

Lumabas ako ng bahay pagkatapos kong walisin ang loob. Saglit din akong nagwalis doon. Noong lumipat ako sa garden para magdilig ng mga halaman at bulaklak doon ay kasunod ko na si Cell sa aking likod.

"I'll just hold it, right?" tanong niya habang hawak ang garden hose. Ibinigay ko na sa kanya kaysa naman nakatayo lang siya sa likod ko na parang buntot. Edi ayan, may silbi na siya.

Abala ako sa pag-aalis ng garden weeds at nakatalikod sa kanya kaya hindi ko nakikita kung anong ginagawa niya.

"Wag masyadong matagal. Don't get the soil too soaked."

"Ano ba dapat?"

"Yung tama lang."

"Paano masasabing tama lang?"

I sighed. Ang daming tanong!

"Do you know all the flowers in here?"

"Malamang."

"In between yes or no, you chose to say malamang. I get it."

Sumimangot ako at lumingon sa kanya kahit pa nakaupo pa rin ako. Humarap din siya saakin dahil sa napansing paggalaw ko at agad akong napairit.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon