PAP30

14.7K 442 90
                                    

PAP30

"Weh? Seryoso ba?"

Umikot ang mga mata ko sa paligid para tignan kung mayroon bang nakatingin saamin. I'm back on my usual office days. Ang tanging ingay na naririnig namin ay tungkol sa mga work-related stuffs. Kasi naman itong si Mori, hindi makahintay ng break bago sumagap ng chika!

"Oo nga..." mababa ang boses kong sabi sa kanya.

"Mamatay ka man?"

"Mamatay man ako!"

Mapagsuspetsya niyang kinuha ang kamay ko at tinignan iyon. Mabilis niya rin iyong binitawan at kinuha naman ang isa pa. Binitawan niya agad iyon noong wala ring nakita doon. She glared at me.

"Mukha mo!"

"Nagsasabi ako ng totoo!"

"Eh bat wala kang singsing?"

"Kasi... kasi... kailangan ba ng singsing? Mas mahalaga yung nag-yes!"

"Nag-yes ka ng walang singsing?"

"Yup."

"Gaga!"

Napadaing ako noong maramdaman ko ang hampas niya sa likod ko. Masakit 'yon ah! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba!"

Ang mga sigaw naming dalawa sa isa't-isa ay nananatiling mababa para walang makapansin saamin na iba ang pinag -uusapan namin.

"Bakit ka pumayag?"

"Mahalaga ba 'yon? Mahal ko eh!"

Nalukot ang mukha niya na parang nandidiri siya sa narinig. I hissed.

"Syempre, malay mo takbuhan ka pala, edi may maisasangla ka!"

"Hayop ka, nagpaplano ka na agad!" nanggigigil kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang kamay niya at pinwersa iyon sa table niya. "Knock on the wood!"

"Plastic 'to, tanga!"

"Maghanap ka ng kahoy!"

"Pero seryoso nga?"

I sighed deeply and look at her with pure disbelief. I can't believe it! Kanina pa kami nag-uusap dito ay nagdududa pa rin siya!

"Oo nga! 'Di ba ako kapani-paniwala?!"

"Hindi," mabilis niyang sagot.

I gritted my teeth. Inamba ko sa kanya ang ballpen na nahagip ko lang kung saan sa table ko. Iniwas niya ang sarili niya kahit hindi ko iyon itinuloy. Natigilan ako noong ma-realize ko na tila marami nang nakatingin saamin. Ganoon din si Mori.

I cleared my throat and put my hand down. Unti-unti ko ring binaba ang ulo ko dahil sa hiya. Masama talaga kapag nadadala ako sa pakikipagchismisan dito kay Mori eh!

Hindi na kami muna nagpansinan upang wala ring ma-distract sa mga ginagawa namin. Noong break lang ako nagkaroon ng tyansa na ikwento ang buong nangyari sa kanya.

"Nasabi mo na ba doon sa isa?" Kahit wala siyang sinabing pangalan ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"Hindi pa. I think I'm gonna meet Zeven one of these days for that."

She nodded before she gasped.

"Grabe, may bakasyon na, may fiance pa. Kaya pala iba ang liwanag ng mukha mo ngayon ha!"

I choked. Agad kong inilayo sa bibig ko ang bote ng tubig na kanina ay iniinuman ko habang nagsasalita si Mori. I covered my mouth immediately. Shit, ang sakit! Pumasok ata sa ilong ko iyong tubig, damn it!

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon