PAP33

13.1K 392 45
                                    

PAP33

"Inaabangan nga kita noon sa Bistro kaso hindi ka na yata bumalik?"

Kumurap ako ng ilang beses habang nakatingin kay Justin na nasa unahan ko. We've been talking over a lunch. Mag-isa kasi dapat ako ngayon. Mori is out for a task. Noong dumating naman ako sa fast-food restaurant na napili ko ay nakita ko si Justin. He waved at me and pointed the seat in front of him. Wala namang kaso saakin dahil mag-isa rin naman ako.

"Bumibisita naman ako minsan, baka hindi mo lang ako nasasaktuhan," sagot ko habang nakangiti. I sipped on my coke.

Pero hindi naman madalas. Sumilisip lang ako para mangamusta. Syempre, minsan nakakamiss din dahil ilang taon din akong nagtrabaho doon.

Tumango siya. Pinanood ko siyang uminom sa sarili niyang baso pagkatapos kong ilapag sa table ang akin. My eyebrow twitched.

"Siguro nga. Sayang! Pero at least ka-department na kita ngayon! Is this fate?" biro niya habang may malaking ngiti.

Tumawa ako dahil sa tono niya. He still looks the same to me. Iyong lower year student na friendly na nag-aapproach saakin from time to time.

"Nagulat nga rin ako na nakita kita sa company? Sino nga bang makakapagsabi, ano?" I chuckled. "Unang tingin ko dati sa'yo, akala ko itutuloy mo yung pagbabanda."

Tumawa din siya habang kinakaway ang kanyang isang kamay. "Hindi! Hobby lang talaga noon tsaka extra income na din."

"Oh? So, hindi na kayo tumutugtog ngayon?"

"Tumutugtog pa rin naman. Pero minsan na lang kapag may libreng oras. May kanya-kanya na rin kasing trabaho..."

Tumango-tango ako habang ngumunguya ng pagkain ko at nakikinig sa kwento niya. I don't know but it seems very comforting for me. Pakiramdam ko ay nakikipag catch-up ako sa isang kaibigan. Oh? Is he even my friend before? Medyo siguro?

"Ikaw, kamusta ka na?"

Natigil ako sa pagnguya noong marinig ko ang tanong niya. Dahil may laman pa ang bibig ko ay tinuro ko muna ang sarili ko.

He nodded with a smile.

"Oo. Kanina pa ako kwento ng kwento. Hindi pa yata kita nakakamusta."

I tilted my head. Half-true na kanina pa nga siya nagku-kwento pero may tanong rin naman siya minsan na tungkol saakin kaya nakakapagkwento rin naman ako ng konti. But...

I swallowed my food first and drink before I opened my mouth to answer him.

"Ayos lang naman. Normal?" Hindi ko sure na sagot kaya ginawa ko na lang tunog joke. "Sorry, hindi ko talaga alam kung paano sinasagot 'yan 'kamusta ka na?' na tanong." Natatawa-tawa kong sabi.

Kasi naman, ang hirap din kasi talagang sabihin kung anong buong gustong tukuyin ng tanong na 'yon. 'Ayos lang' 'Okay lang ako', seems too short and sometimes, it felt like a standard reply. Anong ibig sabihin noong ayos at okay lang? Ilang salita lang kaya sobrang daling bigkasin kahit minsan, hindi totoo. But even if you wanna be honest sometimes, it felt like saying something longer will make you overshare.

He chuckled. "I see. Hindi ka pa rin nagbabago."

Natigil ako sa pagtawa noong narinig ko iyon. I squinted my eyes jokingly.

"Is that a compliment or a roast?"

Nanlaki ang mata niya naman. Papatagalin ko pa sana kaso hindi ko na napigilan pang tumawa dahil bigla siyang nagpanic sa harap ko. Alam ko naman kung anong ibig sabihin niya. He's funny!

"Hindi masama ang ibig sabihin ko!"

I chuckled. "Alam ko! Chill ka lang!"

Humaba pa ang tawa ko dahil kahit na sinabi ko 'yon ay parang nagdadalawang isip pa rin siya saakin. Awkward siyang ngumiti. I finished my laugh and smiled back at him.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now