PAP41

14K 550 237
                                    

PAP41

I felt like I just jumped inside a book.

I knew that I was living a very good life way before tragedy happened. I experienced enjoying some privileges, that's why, luxurious things don't really impress me. Pero kahit ganoon ang pananaw ko buong buhay ko, ngayon ay parang hindi pa din ako makapaniwala. It's different from the world I knew of. It's in another level!

Hindi mawala ang gulat ko simula noong tumigil kami sa harap ng malaking gate, hanggang sa magbukas iyon at pumasok kami. I thought I'd see their house immediately, but no! Dumaan pa kami sa driveway hanggang sa bumungad saakin amin ang isang malaking fountain at sa likod noon ay ang... what... is this still a mansion? Palasyo ata ito!

It's huge! I mean, from what I can see, it has two floors, but it's really wide! The one that attracted my eyes most is the Greek pillars I can see. Grabe... I know their family is super rich. Pero hindi pa din ako makapaniwala dahil ngayon ay nakikita ko na iyon ng mata sa mata!

"Bahay nyo 'to?" Wala sa sarili kong tanong. Hindi ko rin agad napagtanto na tunog tanga iyon tanong niya 'yon. Obviously, Free!

Cell nodded. "I grew up here. But I'm not staying here anymore, remember?"

Tumango ako sa kanya. Sinabi niya na iyon saakin noon. Mayroon na siyang sariling bahay. Still, growing up here... my god, I just can't imagine the comfort and privilege but at the same time... the loneliness and pressure. Minsan kasi, the larger it gets, the less of a home it becomes. Well, that's just what I believe. Hindi ko alam kung ganon ba iyon sa kanila.

Huminga ako ng malalim noong tumigil ang kotse niya sa harap ng pinakamalaking porch na nakita ko para sa isang bahay. Kanina pa ako kinakabahan at nanlalamig, pero mas tumindi ata iyon nung tumigil kami.

Shit! Akala ko ba ready ka, Free?

"Free..."

Naramdaman ko ang mainit na palad ni Cell sa akin. Mula sa pagtingin sa mga nakikita ko sa labas ng bintana ng kotse ay lumipat ang mga mata ko sa kanya. Inilagay niya ang kamay ko sa gitna ng kanyang dalawang kamay. He must have felt how cold it is, that's why he's trying to warm it up.

"Ayos lang ako. It's natural to feel this way," paninigurado ko sa kanya.

"Tell me if you don't feel comfortable, okay?"

Ngumiti ako ng maliit sa kanya at tumango. Inalis niya ang isa niyang kamay mula sa pagkakahawak saakin at hinaplos ang aking buhok. "You'll be okay."

"Of course!" I answered, but it was to cheer myself up. Cell chuckled.

He took a while to set up this meeting. Halos dalawang linggo din ang nakalipas. He had to clear things up with his parents. I know he took a lot of effort into that. Tapos busy pa ang mga ito and at the same time, it was hard to find an even date where everyone will be present. May iba-iba daw kasing schedules ang mga kapatid niya. I can't mess this up...

Bumaba kami sa kotse at naglakad papunta sa main entrance ng kanilang mansyon. May mga ilang mga sumalubong saamin na agad bumati. I don't know how to react, so I just copied what Cell does.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Cell habang tumitingin sa paligid. Everything in the inside is more magnificent and luxurious. Wala atang matatagpuang simple ang mga mata ko ngayon dito eh.

"Tito?"

Napalingon ako dahil sa maliit na boses na narinig ko. I didn't find it immediately. I didn't know where to look. Pero noong marinig ko na ang boses ni Cell at noong sinundan ko kung saan siya nakatingin ay doon ko natagpuan ang isang bata at isang lalaki. They are coming from the door where we entered. Mukhang galing ang mga ito sa labas.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon