PAP6

16.5K 679 199
                                    

PAP6

Ilang araw ko ding kinulit si Zeven tungkol sa kung anong nakalimutan niyang sabihin saakin ngunit hanggang ngayon ay iisa pa rin ang sagot niya. Hindi niya pa rin daw naaalala. But the more he tries to insist with that answer, the more I cannot forget it.

Siya pa ba ang makalimot? Mukhang malabong mangyari 'yon.

It bothers me so much. My intuition is kicking in me. Dumadagdag ang kaba ko araw-araw sa 'di malamang dahilan hanggang sa mauwi ako sa punto na ayoko nang marinig kung ano man iyon. That's why, after days of pressing it to him, I decided to drop it and pretend like I have forgotten it.

But the thing is, I still think about it from time to time.

"Hindi pa rin ba magaling 'yang sugat mo?"

Saglit akong tumingin kay Zeven bago ako nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain ko. Hindi ko alam kung naging ganito ba ako kagutom dati! Pagod na ako, kalahati pa lang ng araw ang lumilipas!

"Pa-galing na..." sagot ko pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Bakit may band-aid pa rin?"

"I can't keep my hand off my face always and I know it's not as clean as it looks like..." I said, raising my hand for a while to show him what I meant. Bwiset kasi itong community service na ito! "The last thing I want is an infection."

Halos 'di na nga ako makamove-on sa sugat ko tapos mai-infect pa! No way! Iniisip ko pa lang na may nana na biglang susulpot sa mukha ko, yuck!

Isa pa, inaamin ko 'din na ang halay ipakita na may sugat ako sa mukha. Ang dugyot! Kahit mas halata itong band-aid ay stylish naman tignan! Kasalanan talaga ito nung Mary Joy na iyon eh-iyong girlfriend ni Jace na nalaman ko lang ang pangalan noong pinapagalitan na kami ng Discipline Officer.

"Yung mga klase mo?"

I groaned.

One-week akong suspended pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ako papasok. Nandito pa rin ako sa school para sa community service. At isa iyon sa mga problema ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga namimiss ko. This is one of the rare times I really wish I have a friend in my classes so it would be easier. Unfortunately...

"Magtatanong na lang ako sa mga kaklase ko."

Mayroon naman akong nakakausap na ilan sa kanila, kahit hindi ko masabing close ko sila.

"Do you need help?"

Napatigil ako sa pag-nguya noong marinig ko iyon. I stared at him weirdly.

"What? Nag-ooffer ka ba?"

He nodded.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman kita kaklase!"

"I can ask your classmates for you."

"Weh? Gagawin mo 'yon?"

Sinamaan niya ako ng tingin. I intriguingly stared at him. Come to think of it, hindi nga siya mahihirapan doon dahil sigurado namang kahit sino mang pagtanungan niya dito sa campus ay sasagot agad sa kanya. He has it all-everyone's respect and admiration, I mean.

"Yeah, just focus on your cleanin-"

"Seriously?" I frowned.

He chuckled. "And your work."

I pouted. "Thanks, Zeven. You're my favorite guy in the whole world!" madrama kong bigkas at inabot ang dalawang kamay ko sa kanya habang gumagalaw ang lahat ng mga daliri ko.

Tumunog ang upuan niya noong sinubukan niyang lumayo saakin para hindi ko siya maabot.

"Tsk! Kumain ka na!"

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now