PAP2

20K 625 215
                                    

I will write on my free times but do expect slower updates. Stay safe, everyone! 

xxx

PAP2

"Buti naman napagod ka din..." he sighed and sat next to me on the floor. Sinamaan ko siya ng tingin at agad na nilakihan ang pagitan naming dalawa.

Free, kaka-galing mo lang sa break-up, please. Tsaka hindi mo 'yan kilala!

Sinulyapan ko ang laptop ko na sinalba niya kanina sa mga binabato ko sa pamamagitan ng pagbaba nito sa coffee table. He sent an email. Hindi ba masyadong formal at mas mahirap pa iyon?

Dapat nagbukas na lang siya ng Facebook at doon magmessage! O tumawag para mas mabilis!

"Paano kapag di ka sinagot agad?"

"Then, I'll stay here for now."

Nanlaki ang mata ko at parang nabuhay ulit bigla ang natutulog na dugo sa katawan ko.

"Desisyon ka?" inis kong saad.

He looked at me, confused. "What?"

I sneered at him. "Sino namang nagsabing papayagan kitang tumigil dito? Tsaka bakit ba nakaupo ka din dito? Bumalik ka nga don!" utos ko at tinuro ang couch kung saan siya nakaupo kanina.

"Wag na... I'm so tired to move," sabi niya at sumandal pa sa couch. He even let his head fall on it.

Umirap ako. Kala mo naman pagod na pagod eh umupo lang naman siya sa Bistro kanina! Ako nga pabalik-balik pa!

Inabot ko ang laptop ko at nagbukas ng bagong tab habang wala pang nagre-reply sa kanya. I opened the website I'm using to make money online. Kalimitan talaga ganito ang ginagawa ko pagkakagaling sa part-time at tuwing walang school work na dapat tapusin.

"What's that?"

Bumangon siya sa tamad na pagkakasandal at interesanteng tumingin sa ginagawa ko.

"Isa ko pang part-time ulit," sagot ko habang nagtitingin ng mga tanong.

Lahat naman ng tanong dito ay galing sa mga estudyante din. Sometimes, they put their activities and homework here so that others-us, specifically can answer it for them. In return, we get paid for it.

"You have a lot of part-time..."

Tumaas ang kilay ko habang nagta-type at nags-search sa google para sa tanong na nakita kong kaya ko namang sagutin. I'll just need to have more information.

"It's hard to maintain a mansion this big..." pabiro kong saad.

It was true, though. Minsan, iyong kita ko lang ay sapat na para sa sarili kong pangangailangan. Merong pang mga biglang gastos at mga binabayaran sa school. And this mansion, nakakatipid ako dahil mula araw hanggang gabi ay nasa school at trabaho ako. But compared to a household that has only one person living, it still has bigger bills.

Kaya talaga kapag bayaran ng bills, gipit na gipit ako!

Still, even if it would be more practical to leave this place, I just can't...

"But why?" he asked. "Even if you were left alone, considering that your family had a property like this means that somehow... you're doing well, right?"

Tumigil ako sa pagta-type at lumingon sa kanya. He looks curious. Mukhang iyon din ang tanong niya kanina bago pa kami pumasok dito. So much for a 'you don't have to answer' thing a while ago, huh?

"It was the last of our property," sagot ko na lang kahit hindi masyadong malapit sa tanong niya.

I continued typing again. Tumahimik naman siya sa tabi ko at wala nang sinabi. I can see in my peripheral that his eyes are stuck in my laptop screen. Mukhang binabasa niya ang mga tintype ko. Wala namang kaso saakin 'yon.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now