PAP26

13.4K 580 67
                                    

PAP26

"Tanga..." sabi ko habang mahinang inuutog ang ulo ko sa table.

"Hmm..." Mori nodded in agreement while calmly sipping on her milktea straw.

Tumunghay ako mula sa table at sinamaan ng tingin si Mori. "Ikaw kasi! You insisted that he was cheating on me!"

Hindi nagbago ang kanyang ekspresyon sa kabila ng paninisi ko sa kanya. Kalmado pa rin siya at ineenjoy ang milktea niya samantalang ako ay hindi ko mahawakan ang akin dahil feeling ko ay walang lasa at wala akong gana!

"Sinabi mo rin na kakausapin mo muna. Oh, nasaan na ang usap na pinagmamalaki mo?" tanong niya saakin.

I groaned. "Nag-usap naman..." daing ko.

She nodded. "Oo nga. Congrats! Alam mo nang hindi siya lumalandi sa iba! Problem solved!"

"May bago naman problema!"

She chuckled. "Daming problems! Research ka, teh?"

"Tigilan mo ko."

"Inaano ba kita?" natawa niyang tanong. "Ano na bang plano mo?"

"Ano bang plano ko?" tanong ko pabalik sa kanya. She frowned at me for giving the question back to her.

Hindi kami naayos ni Cell noong araw na 'yon. I thought the talk that would fix our issues would come after he comes back from cooling his head off. Ganon din ang ginawa ko. I sorted out my emotions from those intense wrong ones that I felt so we could talk better. Pero hindi iyon nangyari.

We ended up... blurrier. Noong nag-usap kami ulit, our thoughts collided with each other, and it didn't make anything better to the point that we ended up silent beside one another until he had to leave.

That day I really wished there is an excuse I can say just to go out of the situation. Alam ko naman na may mali ako, okay. Pero kahit ganon, gusto ko pa ring ipagtanggol ang sarili ko! Magpaliwanag, ganon! I guess that didn't sit well with him.

"Sino ba naman kasing maninisi eh ang plano, magpapaliwanag lang?" tanong ni Mori.

Fine... I've reflected on it already. My choice of words isn't good at all.

I'm sorry!

"Tingin mo ba sobrang handful ako para sa kanya?"

"Bakit ako tinatanong mo? Ako ba jowa mo?"

Ngumiwi ako at sinipa ang paa niya sa ilalim ng table. "Hinihingi lang opinyon mo! Wala kang kwenta kausap!"

"Hindi ko naman kasi kilala 'yan jowa mo! Malay ko ba sa personality non!"

"Nagku-kwento ako sa'yo!"

"Tsk. Assumption lang 'to ah?"

I nodded. Umayos ako ng pagkakaupo at inilagay ang aking baba sa aking palad upang makinig sa sasabihin niya.

"Siguro?"

Ngumuso ako noong nagsimula siya doon. She scratched her head and look at me again.

"Alam ko gusto mong i-defend ang sarili mo. Sino bang hindi?"

"Right," mabilis kong pagsang-ayon sa kanya.

"Dyan ka magaling." Sumimangot siya agad. Syempre, iyon kasi ang point ko eh! A-agree ako syempre!

"But that doesn't end with just that, Free. Kailangan mo ding pakinggan 'yung point niya. You are two in your relationship. Hindi pwedeng sa'yo lang 'yung importante at acceptable. That's..." Tumaas ang kilay niya at sumipsip sa straw ng milktea niya "-toxic."

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon