PAP15

14.6K 461 176
                                    

PAP15

Napakurap ako ng ilang beses noong naglakad si Cell papalapit saakin. Napansin ko pa ang pagtingin saakin ng mga kausap niya kanina at ang pagyuko ng mga ito sa direksyon ko bilang pagbati. Nanuyo ang lalamunan ko.

"They said it's okay to walk around. Let's just be careful."

Parang umurong ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya na parang isa siyang multo sa harap ko. Dude, he's literally on the top of the food chain! Sa milyong-milyong taong pwede kong makilala ay bakit siya pa? Bakit ako pa ang makikilala niya?

"Oh... they are the engineers of this project," sabi niya noong napansin niya ang paglingon ko ulit sa mga papaalis nang mga lalaki. "We're building a car factory."

"Ah..." I said, still lost.

Ano? Nasaan ngayon ang tapang mo, Free?

I gulped while looking back on the times I doubted him. Iyong papalit-palit niyang kotse, yung pagbili niya na hindi na tumitingin sa price, at kung gaano kaliit na bagay sa kanya na magbigay ng malaking pera sa account ko! God! I know he's rich through that show-off but I never knew he's that rich-rich type of person!

Ngumiti siya. "You done?"

"Ah... hmm..." Mabagal akong tumango at iniabot sa kanya ang cellphone niya. Tinanggap naman niya iyon.

Ano ba ito! Akala mo naman nag-regress ako pabalik sa panahong sounds lang ang nagagawa ko! Ni wala nga akong naaalala noong baby ako eh!

"Gusto mo umikot?"

Umayos ka nga, Free! Si Cell pa din naman 'yan! Eh ano naman kung ganon siya i-describe sa internet? Basta para sa'yo, siya iyong bigla na lang lumilitaw na may dalang stress! Pasaway! Makulit! Madaming tanong! Mapang-asar! At iyong kinaiinisan mo ng todo dahil natutuwa lang kapag inaasar pabalik!

Tinuwid ko ang tayo ko at ini-stretch ang aking leeg. I cleared my throat.

"Tara!" aya ko.

His eyebrows moved up and he stared at me interestingly.

"I thought you'd say you wanna go home."

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Damn it, he's a walking gold... I mean, erase! Erase! Ano ka ba naman, Free!

"Bakit ako uuwi agad eh di ba ipapakita mo na may ginagawa ka dito at hindi nag-iimbento lang? Ano, hinila mo ako dito tapos papauwiin mo rin agad?"

Nagparte ang kanyang labi habang nakatingin saakin. Ilang segundo lang iyon dahil napalitan iyon ng ngiti bago siya humalakhak. He shifted his eyes away and lick his lower lip before he put it back to me again.

"Are you sure?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Para kang tanga, dadalhin mo ako dito tapos tatanungin mo ako ng are you sure? You're too late! I'm already here!"

Mangha siyang nakatitig saakin habang nakangisi. Tumango siya habang tinatago ang cellphone niya sa bulsa. I do not get him at all. Para sa isang mababaw na tanong na pwede sagutin ng pabalang ay hindi ko maunawaan kung bakit pati ang mga mata niya ay nakangiti at tila kakaiba ang tingin na hatid.

"I'm in trouble..." he whispered. Mukhang sa sarili niya lang iyon sinabi kaya hindi ko iyon masyadong narinig. I can only hear his murmur.

"Ano?"

He shook his head to me. "Let's go?"

I nodded, still curious, but I decided to drop it off and walk with him.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now