PAP8

15.4K 562 95
                                    

PAP8

Dire-diretso ako palabas ng classroom noong narinig ko ang pagdidissmiss ng prof ko. Kanina pa ako naglikom ng gamit habang nag re-remind pa siya ng gagawin next meeting para kapag nagdissmiss na ay aalis na lang ako. Mas mauuna pa nga ata akong makalabas kay Sir.

I really need to go so I could grab a good spot in the library! Hindi na ako magla-lunch dahil may tatapusin pa akong activity na ipapasa na mamaya!

Doble ang bilis ng lakad ko at magpapatuloy na sana ako kung hindi lang may mahagip ang gilid ng mata ko. Napa-preno ako bigla at napalingon sa likod ko. Kumunot ang noo ko noong makita kong nakasandal sa railing si Zeven at nakababa ang tingin sa cellphone niya.

"Huy!" tawag ko.

Kumunot ang noo nito at agad tumaas ang tingin saakin.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko.

"Hinihintay ka," sagot niya habang inilalagay sa bulsa ang cellphone at naglakad na papalapit.

"Huh?"

Lukot ang mukha ko habang pinapanood ko siyang lumapit. I started walking again when he reached my side.

"Bakit? May sasabihin ka ba?"

"Wala. Lunch na diba?"

I blinked, slowly absorbing what's happening around me. Sumulyap ako sa kung saan ko siya nakita kanina pabalik sa kanya. Okay?

"Sinundo mo ba ako?"

Like... hindi ako aware na may pagsundo? May usapan ba kami? May nakalimutan ba ako? Mostly kasi ay pinapadaan ko siya sa classroom ko kapag ganon. Wala naman akong maalala.

"Yeah... let's go," sabi niya at kinuha ang pulso ko para hilahin at pagmadaliin. Marami na rin kasing lumalabas. At this rate, getting a table in the canteen is harder.

"Wait! Hindi ako kakain!"

"Ano? Bakit?" kunot-noong tanong niya. Tumigil kami sa paglalakad ngunit hindi niya binitawan ang pulso ko.

"May tatapusin ako sa major. Pasahan na mamaya."

Sinulyapan niya ang yakap kong mga papel bago niya ibinalik ang tingin niya saakin.

"Edi bilisan mo kumain."

"Kahit na, kain sa oras! Mamayang hapon na-Zeven!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at nagprotesta na lang ako sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya noong hinila niya na ulit ako at nagsimula na maglakad.

I groaned frustratingly. Kung tutuusin, kaya ko namang makawala sa kanya pero napakaweird naman kung maghihilahan pa kami dito sa gitna ng hallway na maraming dumadaang tao.

"Hindi ka na nga kumakain ng tama sa almusal, hindi ka pa rin kakain ng tanghalian. Tignan mo nga 'tong braso mo," sabi niya at tinaas ang pulso ko na hawak niya para ipakita saakin ang punto niya. "You're so thin."

Ngumuso ako. That's right. Hindi talaga ako kumakain ng almusal. Late na kasi akong natutulog kaya kapag nagigising ako, eksakto lang para sa paghahanda sa pagpasok.

I know how to cook but I don't really cook for myself. Minsan, bumibili lang ako ng tinapay sa nadadaanan kong bakery pag papunta sa school pero kapag male-late na ako ay nakakalimutan ko na din iyon. I eat lunch here at school (sometimes, I skip it, too). Kapag dinner naman ay sa Bistro ako kumakain.

"Pero kailangan ko ngang tapusin," dahilan ko sa kanya. I even made my voice sad. Ewan ko kung umepekto pa ito kay Zeven dahil lahat naman ng ka-dramahan ko ay alam niya na!

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon