PAP38

12.9K 433 46
                                    

PAP38

"Wala ka nang naiwan?"

"Hmm. Wala naman akong dala..." sagot ko pero nililibot ko pa rin ang tingin ko sa kwarto ni Mori dahil baka nga may naiwan pa ako. Noong dumating naman ako dito ay ako at bag ko lang sa trabaho ang dala ko. Nadagdagan nga lang dahil nga nagdadala si Cell ng gamit. I didn't face him though. Si Mori lang ang lumalabas para sa kanya.

"Phone?"

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong pa pala sa lamesa sa kwarto ni Mori. Pinakita ko iyon kay Zeven. "Wala na."

He nodded at me. "Tara na," aya niya at binuhat ang travel bag na may laman ng mga gamit ko. He didn't go to work today to accompany me. Sabi ko nga ay ayos lang kung hindi pero nagpumilit pa din siya.

Sabay kaming naglakad papunta kay Mori na nag-aabang sa labas ng pinto para saamin. Noong nakalabas kami parehas ay siya na ang nagsara ng pinto ng kanyang kwarto.

"Sama na kaya ako?" tanong saakin ni Mori at humabol siya sa paglalakad ko para makatabi ko. Nauuna si Zeven na maglakad saamin.

"Wag na. Sobrang nakakaabala na ako sa'yo."

"Kahit na! Hindi din ako mapapakali dito eh! Tsaka papayan naman siguro ako nila Mama!"

"I'll take care of her, don't worry," singit ni Zeven.

"Eh iiwan mo din naman 'to eh!"

I chuckled and tapped Mori's back while we're walking up the stairs. She's too worried.

"Ayos lang. Kaya ko naman ang sarili ko eh."

"Oh?" Nagdududa niyang tanong ulit.

"The situation is different now, Mori."

I know that I should take extra care now. Hindi ko na lang 'to katawan. I should also pay more attention on the signs my body is giving me. I don't experience that so called 'morning sickness', that's why I never suspected myself. Hindi kasi talaga sumagi sa utak ko noon na buntis ako dahil akala ko, iyong mga pagbigat ng pakiramdam ko at minsanang pananakit ay dahil lang sa stress.

Muli akong nagpasalamat sa mga magulang ni Mori kahit nagpaalam na naman ako sa kanila kagabi. Hinatid kami ni Mori sa kanilang labas kung saan naka-park ang kotse ni Zeven.

"Ingat! Tawagan mo ako ha! U-update din kita tungkol sa trabaho."

Tumango ako at pinisil ang kamay ni Mori. "Salamat. I really owe you big time."

She shook her head and wave her hand. "Minsan lang 'to! Sulitin mo na!"

I chuckled and waved my hand to her as a sign of goodbye. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat para pumasok. Kasabay ng pagpasok ko ay ang pagsasara ng pinto ng backseat kung saan nilagay ni Zeven ang gamit ko.

Inayos ko ang pagkakaupo ko at sinuot ang seatbelt habang nag-uusap si Mori at Zeven sa labas. Hindi ko sila naririnig kaya nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. I almost forgot the dilemma between them. Hindi ko din naman masisisi ang sarili ko dahil sabay-sabay na bumagsak saakin ang lahat ng 'to.

I instinctively put my hand on my stomach. God... is there really another life inside me now?

"Ready?" tanong saakin ni Zeven habang inaayos niya ang sarili sa driver seat noong pumasok siya.

I sneered. "Wag mo nga akong mas pakabahin!"

Tumawa siya at tumingin saakin. "Don't worry too much. It's not good."

"Eh kasi, nabasa ko sa internet kahapon. May times na nagkakamali yung pregnancy test na ganoon. Paano kung wala pala?"

"That's a very low chance, Free."

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now