PAP19

13.4K 541 102
                                    

PAP19

"I just thought, it's been ages since the last time I spent my Christmas here. Kaya okay na din 'to..."

"But that's understandable. Mag-isa ka lang..." sabi niya at tinulungan ako sa pagsasalansan sa coffee table.

Inilabas ko kasi iyong junk foods na nakatambak sa kusina. Cell bought that the last time he stayed here. Noong nakaraan lang naman 'yon kaya may natitira pa. Tsaka hindi naman kasi ako naghanda! I thought I would be welcoming Christmas alone this year!

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Kinikilig ako na nandito siya! Syempre, ilang linggo din iyon na hindi kami talaga nag-uusap. We are together for a month! Tapos mas mahaba pa doon ang hindi namin pagpapansinan-I mean, we always just greet each other like an old acquaintance who's not close enough to share a conversation! Sobrang nakakapanibago!

"Yeah. Still..."

"You would just be sad."

"Being sad is just a normal emotion to feel..." sagot ko at inikot ang tingin ko sa paligid ng bahay.

Especially here on this place... dagdag ko sa isipan ko.

"Speaking of being sad!" bulalas ko noong may bigla akong maalala. Binago ko ang pagkakaupo ko at humarap sa kanya. "Sila Tita! Baka hanapin ka noon?"

"I'll call them..." Inilabas niya agad ang kanyang cellphone. Normal na reaksyon na nakukuha ko palagi sa kanya noon. Iyong hindi nagugulat kahit anong sigaw ko dahil sanay na sanay na.

"Sige..." sabi ko at umusod para mas bigyan siya ng space kahit medyo malaki na rin ang distansya sa pagitan naming dalawa kanina.

Lumingon siya saakin noong nakita ang ginawa ko.

"Alam naman na nila."

My eyebrow twitched and my heart made one heavy and distinct thump. "Ah, talaga?" Awkward kong tawa at napakamot pa ng ulo. Alam ko naman kung anong ibig sabihin niya. He means our breakup, right?

He nodded. "Yeah. Kaya wag ka nang mag-alala. They miss you already..."

Ngumiti ako sa kanya ng malungkot. "I miss them, too..."

Tinawagan niya nga sila Tita. Salubong pa nga nila ay bakit hindi pa kami dumadating ngayong ilang minuto na lang ay magpapasko na. Doon ko napagtanto na alam pala nilang pumunta dito si Zeven para sana sundiin ako. I kinda feel guilty, knowing that I chose to stay and now, Zeven insisted to stay, too.

"Ayos lang! Ayos lang!" ulit ni Tita noong nag-sorry ulit ako. She even waved her hand like she's disregarding what I'm saying. She smiled after. "Just promise me you'll come here tomorrow, okay?"

"I will, Tita."

"Okay! Enjoy, you two! Merry Christmas!"

"Tatawag ulit kami mamayang alas-dose," singit ni Tito kay Tita na nagpapaalam na.

Nakita namin sa screen ang pagsiko ni Tita kay Tito. We even heard her say a low 'hayaan mo na, ngayon lang' to her husband. I chuckled.

Noong narinig ko ang mahinang tawa ni Zeven kasabay ng akin ay napatingin ako sa kanya. He turned to me, too. Nagkatitigan kami bago sabay na natawa ulit.

The truth is, it's just minutes away from 12.

Noong nagpaalam sila ay muli kaming natahimik dalawa. It was very awkward. Wala akong magawa kaya sinimulan kong buksan iyong mga junk foods sa table habang nag-iisip ng pwedeng sabihin.

"Are you sure you're okay? I mean, mas masaya kung sa inyo. Hindi nga ako naghanda eh..." sabi ko at hindi tumitingin sa kanya.

"Do you think I'll stay here if I think it's not okay?"

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now