PAP24

14.6K 440 61
                                    

PAP24

"Hey..."

Kumurap ako noong may kamay na dumaan sa harap ko. Natakpan ang kaninang tinitigan ko ng isang bultong panlalaki na isang tao lang naman ang alam kong magmamay-ari.

I shook my head to wake my senses. Ano ba 'to!

"Are you okay?" Cell asked.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Oo naman! Sorry, I spaced out."

"Tired?"

"Not really," sagot ko at tumalikod para maglakad na pabalik sa gate. "Tara na sa loob," aya ko sa kanya.

Itutulak ko na sana ang gate para makapasok sa loob ngunit bago ko iyon magawa ay nahuli niya na ang kamay ko. Before I even look back, my eyes widen because I was pulled to face him again.

Nakasimangot na ito ngayon. Taka ko siyang tinignan.

"Where's my hug?" tanong niya.

Nanliit ang mga mata ko. Hindi nawala ang simangot sa kanyang mukha kaya naman napatawa na ako. Binawi ko ang kamay mo mula sa pagkakahawak niya at binuksan ang mga braso ko habang naglalakad papalapit sa kanya.

He opened his arms to welcome me, too. Ang ngiti niya ang huli kong nasulyapan bago niya ako balutin sa kanyang dibdib. I hugged him tight.

"How come you forgot to hug me?"

"I'm sorry..." malambing kong suyo at hinigpitan ang yakap sa kanya. He's such a baby when he's being like this!

He must have felt like it's too cold for a welcome! Madalas kasi kapag dumadating siya dito sa bahay ay tumatakbo na agad ako sa kanya.

"Is work fine?"

"It's not about the work."

"Then, what?"

"Just... things..." mahina kong sabi.

"What kind of thing?"

Tumawa ako at umalis mula sa pagkakasandal sa dibdib niya. Tinaas ko ang mukha ko para makita siya.

"Kakadating mo pa lang chika na agad hanap mo!"

Bumaba naman ang tingin niya saakin. He smirked. "Mas hanap kita, syempre..."

I tuck my lips together to fight back my smile. "Nahanap mo na."

"Let's get inside now," sabi niya at inalis ang pagkakayakap saakin. Kinuha niya ang kamay kong nakayakap pa rin sa kanya para hilahin ako papasok. I laughed.

"Ayoko!" pagpapakipot ko at nagpabigat ako sa kanya kahit kanina ay siya ang inaaya ko sa loob. I have a clue on why he wants to go inside now.

"I'm gonna carry you."

"What the fuck..." mahina kong bigkas sa gitna ng mga tawa ko. Nagpahila rin naman ako sa kanya. After all, I miss his kisses, too. Mamaya ko na lang siguro siya aasarin ng todo. But first, he's right. We shall continue inside.

Now that I can feel him more, all my inhibitions are slowly disappearing. Hindi ko din alam dahil parang baliktad iyon. I should have been more awkward now but what's happening is the opposite. I'm getting more comfortable, as usual.

Pero hindi ko din mapagkakaila na noong una ko siyang nakita kanina ay biglang sumabog sa utak ko iyong sinabi ni Mori noong nakaraan. It bugged me for a long time and up until this moment, I still don't know the answer. The first time I saw him a while ago, I know in instant that I missed him and I wanna run to him and put him in my arms.

Pearl and PetalsWhere stories live. Discover now