PAP23

14.8K 464 142
                                    

PAP23

Ako:

Good morning, baby ko!

Tumawa ako sa sarili ko at iniwan ang cellphone ko sa kama para dumiretso sa banyo. I woke up feeling good today! Sana lang ay magpatuloy hanggang sa buong araw! I was humming while fixing myself. Naglagay ako ng hair clip sa buhok ko dahil hindi ko pa kayang itali iyon ng lahatan.

I went out of the comfort room and grab my phone. Lumabas ako ng kwarto pagkatapos habang tinitignan kung mayroon bang naging reply si Cell.

And there is. I smiled.

Cell:

Good morning, my flower.

What's your game again, huh?

Napatawa ako habang naglalakad pababa ng hagdanan. Bukod sa napansin ko ang kakaibang pagtawag niya saakin ay nagmukhang tila naasar na siya agad sa pangalawang reply niya. Ang baby ko talaga!

Tsaka anong flower? Corny!

Sinigurado ko munang makarating sa baba bago ako nagtype ng reply sa kanya. Delikado na, baka mamali pa ako ng hakbang!

Ako:

Your flower? Saan galing 'yan ha?

Nakangiti akong umiling. Nagvibrate muli ang cellphone ko sa kamay ko ngunit hindi ko agad iyon tinignan. Inuna ko munang maglakad papunta sa kusina. Sanay na akong hindi kumakain ng breakfast pero dahil hindi naman ako nagmamadali dahil hindi na ako estudyante ngayon ay binabalak ko iyon ngayon. Tsaka hindi ako pwedeng gutom ngayon araw!

I was looking at the refrigerator to see what's available in there when I heard my phone vibrate again on the top of the bar counter. Tuloy-tuloy na iyon, tanda na tawag ang natanggap ko.

Agad kong binalikan iyon dahil alam ko na kung sino iyon. I accepted Cell's call and put it in a loud speaker.

"Good morning, baby!" bati ko kahit binati ko na siya kanina gamit ang text.

"Good morning. I'm not your baby."

Humalakhak ako at naglakad papalayo para maghanda na ng gagamitin ko. Magsa-sandwich na lang ako, pero magluluto pa rin!

"Ay hindi ba? Sino ka po pala?" tanong ko sa gitna ng tawa ko.

Natahimik siya. Ngumisi ako dahil mukhang nag-iisip siya ng kung anong isasagot.

"Your boyfriend."

I played with my tongue inside my mouth. Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Kilig!

"Why is my boyfriend calling?" I asked sweetly while smiling. Para na akong tanga dito na nakangiti mag-isa!

He groaned. "I miss you, Free..."

Ngumuso ako. "I know. Mahirap talaga kapag maganda ang girlfriend m-" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil napatawa na ako lalo na noong narinig ko ang 'tsk' niya.

Noong isang linggo ko lang naman siya huling nakita pero miss ko na din siya! Buong hapon nga ay nahirapan pang mag-sink in saakin na dumating talaga siya sa graduation ko! I was over the moon that day. 'Yon pala ay si Zeven ang may kasalanan kung bakit niya nalaman na malungkot ako dahil hindi siya makakapunta. Of course, I share everything with Zeven! Shinare ko lang naman iyong totoo kong thoughts sa kanya. That jerk betrayed me! Well... the kind of betrayal I wanted.

I don't even know how they got connected. Ayaw nila sabihin parehas! Convinced na convinced pa ako noong una na gusto niyang ipasama si Tita saakin nung procession march! He knows me too well to expect that I'll turn that down! Ugh, my Zeven is the best.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon