PAP34

12.4K 400 66
                                    

PAP34

Tahimik lang ako habang pinapanood ang daliri ni Mori na nagso-scroll sa kanyang cellphone. For some reason, my heart is beating so fast. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Cell. I just feel like I am not supposed to do this but at the same time, I want to see, too. At mas napapangunahan din ako noon kahit alam kong baka maapektuhan ako ng makikita ko.

I can hear Mori's short and faint comments. Wala namang mga salita iyon at puro sounds lang ang mahinang lumalabas sa kanyang bibig.

"Woah... it's really here. Parang celebrity lang!" mahina ngunit may punto niyang sabi. "Wait, speaking of celebrity! Look!" sabi niya kahit nakatingin na rin naman ako.

Hindi ako masyadong maalam tungkol sa show business dahil hindi ko naman ugali na manuod ng kahit na ano. I have no time for it, honestly. These past few years, I just focused on how I would be able to survive. Tsaka, kung movies man, palagi kong pinipili iyong international movie.

Anyway, mukhang na-link si Cell sa isang artista noon. Pamilyar naman saakin, siguro dahil nakikita ko sa ilang mga billboard sa paligid o ibang advertisement pero hindi ko ma-recall kung anong pangalan.

"Click mo," utos ko.

"Wait lang!" sabi niya at nags-scroll pa. Nasa image section lang kasi siya. Mukhang ang interes niya lang ay makita iyong mga picture.

"Ang dami ah! Alam mo ba 'to?" tanong niya.

"I would have been disappointed if there's nothing we can see right now."

Mori mouted a long 'o' sound like she's impressed of what I just said. Gumalaw pa siya palayo saakin para matignan ang mukha ko. Tumaas ang dalawa niyang kilay at mapaglarong ngumiti.

"Bakit? Kasi madami ka?"

Mayabang akong nagtaas ng kilay. "Madami talaga."

Inulit na naman niya iyong 'o' sound niya habang tumatawa. Umiling ako habang natatawa-tawa. It's just for the sake of riding the mood. I'm not proud of having too many unstable relationships in the past. Tsaka hindi naman masama na magkaroon ng relasyon sa iba bago magsettle sa isa. I believe it's part of the process.

It sounds really cliché, but isn't it amazing to find each other after all of those?

"Grabe, he dated them all? Paanong—" Mula sa cellphone niya ay napunta ang kanyang mga mata saakin. Puno ng panghuhusga ang mga iyon na parang kahit wala naman siyang sinasabi ay gusto ko na siyang kalbuhin. She hissed and shook her head.

Paanong nauwi sa'yo? It was like that!

"Ano? Ituloy mo," hamon ko sa kanya na may pagkamayabang din at handa na makipag-away. "I'm the best among the ones he dated!"

"Paano mo nasabe?"

"Hello?" sarkastiko kong sabi at kinaway ko pa ang kamay ko sa kanya. Mabagal kong hinarap sa kanya ang likod ng palad ko upang ipagyabang ang wedding ring ko.

She rolled her eyes before she made herself busy with her phone again. "Sana all."

"Maghanap ka na kasi ng jowa!"

"Siguro nga oras na, para hindi na ako ma-stress sa jowa ng iba," mapait at sarkastiko niyang sabi. Tumawa ako dahil doon. I know she's shading Miya! I think I should talk to Zeven soon.

"What?" mahina niyang sabi at kumunot ang noo habang nakatingin pa rin sa phone. Bigla niyang ginamit ang dalawang kamay niya sa phone niya at tila nagseryoso.

"Ano 'yan?" nakangiti kong sabi at dumungaw din dahil parang may nakakuha ng atensyon niya. She just finished typing when I gaze on her phone again.

"I don't know... ang weird lang..." mabagal niyang sabi. Hati na ang atensyon ko mula sa mga sinasabi niya dahil maging ako ay nakikibasa na sa kanya.

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon