PAP31

13.3K 498 90
                                    

PAP31

His eyes are wide and unblinking while staring at me. Wala pa siyang sinasabi ngunit seryoso ang mukha niya at feeling ko kapag sinundan ko ng 'joke' iyong sinabi ko kanina ay sasakalin niya na ako. Bigla tuloy akong kinabahan!

Bakit, masama na ba mag-suggest ngayon?

I cleared my throat and look away from him. Umayos din ako sa pagkakaupo dahil baka mapagalitan niya ako bigla. Ano ba 'yan, bakit parang naging terror teacher siya bigla!

"I mean... hindi naman ngayon talaga..." mahina kong tawa habang inilalagay ang ibang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Dahan-dahan akong lumingon muli sa kanya. "But I don't really mind marrying you earlier than planned... or even when no one's around..."

"Free..." tawag niya. "Do you know how dangerous it is to say that?"

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Huh?"

Hindi nagbago ang tingin niya saakin, pakiramdam ko nga ay mas lalo pa iyong lumalim.

"I might take it seriously..."

My lips parted. I know in my heart what to say and I know that there wasn't any part of what I said was a joke, but still, I cannot answer immediately. I just adored the look on his face for all the seconds I am lost staring at me. Ang bahagyang nakaparte kong labi ay unti-unting kumurba para sa isang maliit na ngiti.

"I love you, Celcius Abram..." I said with a smile as I raise my hand to reach for his cheek. Marahan ko iyong hinaplos. Saglit siyang kumurap at sa muling pagbubukas ng mata niya, tila nagbago agad ang emosyong naroon. It softened. I traced his jaw using my forefinger.

"I am never this sure of anything in my life. If I am to take something recklessly, I'm glad it's you..."

He sneered lowly. "What? Is that a good thing?"

Mahina akong tumawa at inalis ang kamay ko sa kanyang mukha. "In my eyes, you're love..."

Ilang ulit ko na ata itong pinaulit-ulit sa isip ko, pero tuwing nakikita ko siya ay kusa na iyong sumusulpot sa aking isip. I'm going to love him the best way I can. I don't wanna waste time being uncertain and before I knew it, I'll lose my chance. Ganito ako kung tumaya. It's either I take a step back and walk away... or... or I'll go all in.

Do you know that, baby?

"Gusto mo na ba talaga akong pakasalan?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Sinubukan kong magpakamasungit. Pinagkrus ko pa ang dalawa kong braso sa dibdib ko!

"Will I propose to you if I don't?"

I hissed. "Yes or no lang!"

He chuckled. "To whom do you think I learned answe-" He stopped when he saw my glare. He smirked. "Yes, Ma'am. I wanna marry you."

"You'll be stuck with me for the rest of your life?"

He sighed deeply and nodded. "I am well prepared now..."

Nanliit ang mata ko at hinampas siya. Tumawa siya at hinuli naman ang kamay ko. Inirapan ko siya ngunit nagpatuloy pa rin ako sa pagtatanong. Umismid ako.

"Sure ka na? 100 percent? Final answer?"

"Sure na. 100 percent. Final answer," gaya niya sa lahat ng sinabi ko, iyon nga lang ginawa niyang statement ang mga tanong ko.

I tucked my lips tightly to stop my smile, but I still cannot help it.

I chuckled. "Okay!"

"Okay?"

Pearl and PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon