Chapter 1

5.1K 118 89
                                    

"Punyeta'ng mga tipaklo'ng ‘to! Jusko, Oo! Na stress ako sa inyo!" Sigaw ko!

Umuulan kasi pero may araw. Sabi nila kapag ganoon, May kinakasal na tipaklo'ng! Kailangan ko pa'ng mag deliver ng grahan na order nila sa akin. Pasukan na next week kaya kailangan ko'ng kumayod nang kumayod. Hindi naman ako katulad nila Agusta at Monique na laki sa layaw.

Kaya naman kahit umaambon, tumakbo ako sa gilid ng highway.

"Pasensya na po kung na huli ako.."

"Sana sa susunod agahan mo tapos..." Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa transparent box kung saan nakalagay ang graham. "Tapos mukha'ng dugyutin at hindi masarap."

Napanganha ako dahil sa sinabi nya. "H-hindi naman po mukha'ng dugyot."

Kalma, Casse. Huwag patulan, tatanda ka.

"Inaayos nyo ba ang pag gawa dito? Mamaya naka-kamay lang kayo—"

"Ay? Ano po ba'ng gusyo ninyo? Paa gamitin namin sa pag gawa niyan?"

"Mga kabataan nga naman ngayon. Oh, ayan! Bayad! Hindi na ako order sa ‘yo sa susunod!"

"Salamat po," Nakangiting sabi ko. "Huwag kayo'ng mag-alala, mas mukha po kayo'ng dugyot kaysa sa binebenta ko."

Mabilis ako'ng tumakbo paalis doon matapos ko'ng bitawan ang mga linya'ng ‘yon!

"Yawa. Eh, mas baboy kung paa gagamitin sa pag gawa nun. Mabuti nga at kamay ang ginamit ko," Kunot noong sambit ko habang nakatingin sa kuko na sobra'ng dumi.

Nag hugas naman ako ng kamay pero ayaw matanggal ng mga lupa'ng nakasiksik sa kuko ko. Mabuti na lang talaga at hindi niya na pansin. Atsaka, Mukha naman talagang dugyot ‘yung gawa ko. Ako kasi ang gumawa kaya ganoon. Kung si mama naman, pak na pak talaga.

"Casse, my honey!"

Huminto ako sa pag lalakad. Tumatakbo si Johnson papunta sa gawi ko.

"Oh?" Iritang tanong ko.

"Hindi mo ba ako na miss?"

"Bakit naman kita ma-mimiss? Mag kapitbahay lang tayo atsaka... Hello? Hindi tayo close."

"Kasi crush nga kita casse kaya ako lumalapit sa—"

"Naku ka! Tigil-tigilan mo ako, Johnson. Ang bango-bango ng pangalan mo pero amoy uhog ka," pang real talk ko sa kaniya.

"Ang sakit mo naman mag salita. Kung ayaw mo ako'ng ka-usap, sabihin mo."

"Ayaw kitang ka-usap," diretso'ng sagot ko sa kanya.. "Hindi kita talaga type."

"Ano ba'ng type mo sa lalaki?"

"Mabait na gwapo... Maalagang gwapo... Mabangong gwapo.."

"Ano pa?"

"Bakit? Para gagayahin mo?"

"Ito naman si Casse—hoy! Saan ka pupunta?"

Kahit masakit ang mga lamang loob ko tumakbo ako papasok ng Garden ville gate. Nadaanan ko pa si Thorch na busy sa pag iihaw. Gusto ko sanang huminto para makipag chismisan pero hindi na muna kasi kinukulit na naman ako ni Johnson.

Hindi ko talaga sya type, swear. Kahit mag ka-ubusan ng lalaki sa mundo, hindi ko sya papatulan.

No to kapitbahay.

Sabi nila jowain mo na lahat wag lang kapitbahay ninyo. Oo nga namn. Paano kapag binato ako ng kaldero ni mama tapos nakita nya, edi nakakahiya pa.

Yes to malayo, No to malapit.

Only child lang ako. Tinuturing ko'ng kapatid ang mga pamangkin ni mama. Na sa iisa'ng bahay lang naman kami at sabay-sabay pa'ng lumaki.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin