Chapter 48

2K 80 16
                                    

"Salamat ho!"

Umirap ako sa ere.

Sinasadya talaga ako na lalong mairita sa kaniya. Sunod, asido naman ang ibubuhos ko sa pagmumukha niya. Nakitira ba naman sa bahay ni Lola Elvie na konti lang ang layo rito sa bahay ko.

At talagang proud pa niya itong sinabi sa akin. Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa buhay niya. Kahit nga masagasaan siya ng rumaragasang truck, ayos lang. Matutuwa pa ako. Sa wakas wala na rin siya sa buhay namin ni Steffa. Panggulo lang ba. Feeling close pa sa akin. Akala mo naman papansinin ko siya.

"Eugene!" Tawag ko.

"Ate Jere!" Tumakno siya papunta sa akin.

"Sinaktan ka ba ng nanay mo?"

Umiling siya. "Hindi po. Pag-uwi ko sa bahay, tulog na po siya. Pag gising ko naman, na sa palengke po si nanay. May puwesto po kami roon."

"Ganoon ba? May ipapakilala ako sa ‘yo, Eugene."

"Talaga po, Ate? Sino po?"

Sa halip ay ngiti ang isinagot ko sa kaniya. Hinintay naming lumabas si Steffa ng bahay. Pinatulog ko kasi kanina. Matuto siyang matulog tuwing hapon paraa tumangkad siya.

Maya-maya pa'y lumabas na si Steffa ng bahay, bagong gising. Kinusot niya ang mata bago takang nag lakad papunta sa amin.

"Good afternoon, Mama. Who is he?"

"Siya si Eugene, Anak. Eugene, siya naman si Steffa, anak ko. Mag shake hands kayo," utos ko sa kanilang dalawa.

"Hello, Steffa."

"Hello rin, Eugene."

Binigyan ko sila ng tig-isang turon at zesto mango. Nakatambay kaming tatlo ngayon sa loob ng tindahan.

"Pag bilan po."

"Ano ‘yon?" Tumaas ang kilay ko kay Saske.

"Taray naman tindera."

"Anong bibilhin mo?"

"Pwede po ba ‘yung nag sasalita? Bibilhin ko mamahalin ko na ulit."

"Wala rito ng binibili mo."

Humalakhak siya. "Toyo, suka, dahon ng laurel at paminsang durog. Mag aadobo kami ni Lola Elvie. Dadalhan ko kayo ni Steffa para sabay-sabay tayong kaka—"

"Kumain na kami."

"Dadalhan ko pa rin kayo." Ngumiti si Saske. "Steffa."

"Hello, Dada!"

"How are you, darling?"

"I'm feeling well po. Kayo po?"

"I'm not feeling well. Kailangan ko ata ng alaga ng mama mo."

Hinagis ko sa labas ng tindahan ang binili niya. "Alis!"

Nag flying kiss siya sa akin.

Gusto ko lamukusin ang mukha niya. Nakakainis talaga!

"Bago po ba ang lalaki na ‘yon? Ngayon ko lang po siya nakita rito sa sitio, Ate Casse."

"Oo. Galing impyerno."

"Mama, stop bad mouthing dada, okay? Talk to him, calmly. Kawawa naman po si dada dahil sa ginagawa ninyo, eh."

"Anak, hindi ako nakpaunta sa birthday mo, ‘di ba? Anong wish mo? Gagawin ko," pag-iiba ko ng usapan.

"Kahit ano po?"

"Kahit ano."

"Puwede po ba mag bati na kayo ni dada? I want complete family, Ma. Bago po matapos ang school year, may foundation day kami. Required po na mag dala ng magulang."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin