Chapter 47

2.3K 68 15
                                    

"A-anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong ko sa kanilang dalawa.

"Kapag gusto mong itama ang pagkakamali, hahanap ka ng paraan. Akala mo hindi ka namin mahahanap?" Nginitian ako ni Saske.

Sinenyasan ko silang dalawa ni Steffa na pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya! Nakatingin sa amin lahat ng kapitbahay! Alam kong nakita rin nila ang yakapan moment kanina!

Pinulot ko ang mga damit sa kalsada bago pumasok sa loob ng bahay. Pareho silamg nakatayo ni Steffa malapit sa hagdanan.

"Pwede ka na umalis," sambit ko kay Saske. "Iwan mo na sa akin si Steffa," malamig na sambit ko.

"Let's stay here... For good? Iiwan ko ang trabaho. Hahayaan ko ang halos kalahati ng pera ko sa kumpanya ni Agusta. Masaya naman siguro tumira rito, ano? Hindi pa ako nakakatulog sa probinsiya kahit isang beses pero gagawin ko—"

"Alis," putol ko sa kaniya na itinuro pa ang pintuan.

"Before we came here, namili kami ni Steffa ng groceries sa puregold."

"Makulit ka ba talaga?" Na iinis na tanong ko. "Umalis ka na. Salamat sa pag hatid mo kay Steffa."

Inilibot ni Saske ang buong paningin sa bahay. "Let's buy this house. Pa-renovate natin, Casse. Alam kong ayaw mo na ako lang ang gagastos kaya share tay—Shit!"

Hindi ko na na pigilan ang sarili! Binayo ko sa mukha niya hawak na palanggana. Hawak-hawak niya ang panga habang iniinda ang sakit.

"Kutsilyo ang sunod kong ihahagis sa ‘yo kapag hindi ka pa umalis."

"Dada." Tumakbo si Steffa palapit sa kaniya. "Are you okay?"

"I'm fine, Anak. Mag hingi ka ng tubig sa mama mo. Kanina ka pa na uuhaw sa byahe, ‘di ba?"

"Alis! Hindi ko kailangan ng ibang tao rito bukod kay Steffa!"

"Don't leave, Dada."

"I won't leave you again."

"Anakng tipaklong, oo!" Tinulak ko siya palabas ng pintuan. "Bumalik ka sa Malabon!" Nakadurong sigaw ko at padabog na isinarado ang pintuan!

Nawala ang inis na nararamdamn ko nang mag tama ang mata namin ni Steffa. Nginitian ko siya ngunit tipid na ngiti ang isinukli niya sa akin.

"Anak," tawag ko sa kaniya.

"Po?"

"Pasensiya ka na kung umalis si mama ng walang paalam sa ‘yo."

"Akala ko po ba walang iwanan kahit mahirap na ang sitwasyon?"

Parang piniga nang ilang ulit ang puso ko. Bakas sa mukha ni Steffa ang labis na lungkot at sakit. Ayoko sa lahat ay nakikitang malungkot ang anak ko. Hindi niya kayang kontrolin ang emosyon.

"This time, isasama kita kapag aalis na ako. Kapag pumunta tayo sa ibang bansa, sasama na kita." Yinakap ko siya. "Ang sama ko bang nanay, Steffa? Bakit kasi iniwan kita. Ang tanga-tanga ni mama."

Nag latag ako ng banig sa may sala. Binigyan ko si Steffa ng kumot at unan. Isa lang ang bintilador ko at dalawang ilaw para sa sala at kusina. Nakatingin kaming dalawa sa kisame. Lumabas ang ngiti sa labi ko nang mag umpisa siyang mag kuwento tungkol sa nangyari habang wala ako.

Hindi nga ako nag kamali, Inalagaan siya ng mga kaibigan ko. Araw-araw raw silang dumadalaw sa kanya para sumaya siya kasi lungkot ang nararamdaman niya mag mula ng umalis ako. Minsan, kila Agusta raw siya na tutulog. Gusto ko ngang tanungin sana kung paano sila nag kabati ni Saske pero hindi na pala. Lalong umiinit ang ulo ko sa tuwing naririnig ang pangalan niya. Gusto nang kumawala ng galit ko sa sistema sa tuwing nakikita siyang hayop siya!

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now