Chapter 45

2K 80 16
                                    

Pag tapos ng birthday ni Patch, umakyat na kami ni Steffa sa kwarto. Wala na akong lakas para sumali sa party. Ang gusto ko na lang ay matulog nang matulog hanggang maging maayos ako.

Hindi ako na kokonsensiya sa sinabi ko kay Saske. Tama naman ako, ‘di ba? I deserve better and that better is not him dahil hindi niya ako pinaniwalaan dati.

Nag hiwalay kaming dalawa. Tinaguyod ko mag-isa si Steffa kaya may karapatan akong mag desisyon kung ipapakilala ko ba siya o hindi sa anak ko.

Ayoko sa lahat iyong kinukulit ako sa mga bagay na kinaiinisan ko at ayon ay ang pag pilit ni Saske sa akin.

Iniwan ko sandali si Steffa sa kwarto namin. Pumunta si Pacco at Dahlia roon. Kailangan kong makalanghap ng Fresh air.  Puro toxicity ang na aabsorb ng buong sistema ko.

Dumiretso ako sa bar station. Hindi naman siguro masama kung mag inom ako kahit kaunti, ‘di ba?

"Red wine," utos ko sa bartender.

"Noted, Ma'am."

Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng Bar. Medyo madilim ang lugar. May table sa bawat sulok nito. Isabay pa ang classic instrumental song. Ang kalma ng buong palagid.

"Ito na po, Ma'am."

"Thank you."

Paunti-unti ang inom ko ng wine. Ninanamnam ko ang bawat lunok. Minsan lang ako makatikim ng ganito. Susulutin ko na hanggang nandirito ako sa Hotel. Wala nang ganito sa bahay.

"Casse."

Bumuntong hininga ako. Alam ko na agad kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko sa gilid ng mata na umupo siya sa tabi ko. Pareho kaming nakaharap sa mga taong busy sa pag-inom habang nakasandal sa counter.

"Kung kukulitin mo na naman ako na ipakilala kita kay Steffa, alam mo ang sagot ko, Saske."

"Na hindi mo ako ipapakilala sa anak natin kahit anong mangyari?"

Tumango ako. "Matinong usapan. Lumayo ka sa amin. Kapag nakita mo kami, ikaw na ang kusang lumayo. Kapag kakausapin ka ni Steffa, huwag mong pansinin o kaya sungitan mo—Katulad ng ginawa mo noong una mo siyang makita."

"Ano bang... Ano bang gagawin ko para patawarin mo ako, Casse? Just give me second chance... Please? Kahit kapiranggot na pagkakataon. I want to prove myseld. I am better now. You deserve better and that better is me."

Sarkastiko akong na tawa. "Kahit umiyak ka pa sa harapan ko ngayon, i will never give you second chance. Once is enough."

"We're both immatured that time."

"Oo, tama ka. Immatured tayong pareho dati pero, Saske, tatanungin kita... T-tama bang hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko? Tama bang hayaan mo akong araw-araw na bumalik sa harapan ng bahay ninyo para lang kausapin mo ako? Tama bang pag habulin mo ako gayong alam mong b-buntis ako? H-hindi ka manlang huminto... Humiling ako sa ‘yo, ‘di ba? Ayon ang huli kong hiling na hindi mo pinag bigyan... I... I was so heart broken that time..."

"Ako rin, Casse. I'm really sorry for what i've done before. I'm really sorry. Sana maintindihan mo rin na may trauma ako cheating, Casse. Kasi si mama na lubos kong pinag katiwalaan, niloko ako, eh. Ginawa akong gago. Pina-ikot ako. Believe me, mahal pa kita noong mga panahon na ‘yon kaya pinahinto ko kay kuya ang sasakyan... Nag aalala pa rin ako sa inyo ng anak mo... K-kung wala akong trauma, Casse, papanagutan kita kahit... Kahit hindi ako ang ama. Ako ang magiging tatay niyang anak mo..."

Hindi ako nakasagot sa kaniya. Nanatili ang tingin ko sa glass wine na hawak.

"Bakit pa ba tayo nag papaliwanag sa isa't-isa? Matagal nang tapos ang bagay na iyon. Umalis ka para makalimot at tinaguyod ko si Steffa ng ako lang mag-isa."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now