Chapter 27

1.2K 56 17
                                    

"Merry Christmas!" Malakas na sigaw ko!

Ay, oo nga pala.

Sinong babatiin ko? Sumigaw lang ako sa wala.

Bispera pa lang pala ng pasko ngayon. Masyado akong excited. Wala talaga sa plano ko ang mag celebrate ng pasko ngayong taon pero hindi ko kaya. Kahit mag-isa ako ngayon, ayos na. Simula ngayon sarili ko na lang ang mayroon ako.

Oo, Sariwa pa ang ginawa ni mama. Sa tuwing mapapalingon ako sa may pintuan, inaasahan ko na siya ang papasok. Pero wala. Walang mama Cani na nag pakita sa akin sa loob ng isang buwan. Akala ko ba gusto niyang may ipakilala akong boyfriend muli? Pinagmasdan ko ang buong bahay. Noong lugmok ako, hindi ko ito na pagtuonan ng pansin. 

"Sensya ka na, ha? May saltik ang amo mo. Huwag ka na mag alala diyan. Aalagaan na ulit kita. Bubuhayin ko muli ang sigla nitong bahay, okay ba?" nakangiting pag ka-usap ko sa bahay.

Inumpisahan ko sa pag papalit ng mga pundang unan, pag tatapon ng hindi kailangan na gamit. Iniba ko rin ang ayos ng buong bahay. Na sugatan pa nga ako dahil sa pakong naka-usli sa cabinet.

Hindi namin na kumpleto ni Saske ang simbang gabi. Absent Kami ng limang araw. Bigla akong nag titili nang maalala kung bakit gusto niyang kumpletuhin iyon! Ano daw? Para sagutin ko siya?

"Pereng tenge nemen kese," pabebeng sambit ko habang tinutupi ang maruruming pundang unan.

"Hmm, what's funny, Casse?"

Gulat akong lumingon sa may pintuan. Nandoon si Saske. Ipinakit pa sa akin ang bitbit na miryenda. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Isa-isa niyang inilabas ang binili.

"Magaling na braso mo? Sabi ko huwag ka munang lumabas ng bahay mo hangga't hindi ka magaling."

"I'm fine. Malayo ito sa bituka."

Pag tapos namin kumain dalawa, tinulungan niya ako sa ibang gawain. Nahihiya nga ako, eh. Sinabi ko na mag pa hinga na lang siya sa sala, hindi nakinig. Mas ng eenjoy siyang tulungan ako kaysa raw tumunganga habang pinanonood akong na hihirapan.

"You okay?"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Oo naman. Maayos na ako. Ikaw? Masakit ba ‘yang braso mo?"

Lumapit ako sa kaniya para tingnan ito.

"Lumayo ka sa akin," utos niya.

"H-huh? Bakit?"

"Baka bigla na lang kitang halikan."

Wala sa sariling na tawa ako. Ang cute niya. Namumula pa ang mag kabilang pisnge.

"Anong araw ngayon?" biglang tanong ko.

"24th of december."

"Edi monthsarry natin next january 24?"

"W-what?... What did you say?" Sumilay ang mga ngiti sa labi niya.

"Oh, teka... Hanggang diyan ka lang," banta ko.

Yayakapin niya kasi ako.

"Don't tell me—"

"Ang bastos mo'ng maging boyfriend," nakabusangot na saad ko. "Nag sasalita pa ang girlfriend mo, ‘di ba? Hindi mo ba alam ang salitang respec—"

He cut me off using his tight hug.

"I'm sorry if i offended you, My girlfriend."

"Tama na, uy. Yakap na yakap? Hindi na ako makahinga, Saske," natatawang sabi ko.

"Walang bawian, Casse. You say yes to me."

"Bakit? May sinabi ba akong babawiin ko?" Hinawakan ko ang dalawang pisnge niya. "Guwapo mo talaga, Mr. Author. Pa-kiss naman."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu