Chapter 12

1.2K 48 1
                                    

Casse Austero: Uy, gagi. Sorry na. Hindi ko pag kakalat

Casse Austero: Trust  me. Secret natin. Galit ka ba

Casse Austero: Sorry talaga ha? Ititikom ko bibig ko.

Casse Austero: Kailan update mo sa recent story?

Bumuntong hininga ako. Umalis siya kagabi na walang paalam. Tapos ngayon naman hindi siya nag rereply sa akin. Pumunta ako kanina sa bahay nila, wala naman siya doon. Kaya heto ako ngayon papunta muli sa kanila.

"Mahilig ba mag sulat ‘yung pinsan mo?" Tanong ko kay Thorch.

"Tamad nga mag basa ng mga typical stories ‘yon, mag sulat pa kaya?"

Kahit pala siya, hindi niya alam. Bakit kaya tinatago ni Saske ang identity niya? Hindi niya ba alam malaking break ito para sa kaniya? Sa limang taon niyang pag susulat ni minsan hindi siya naging laos kahit may umuusbong na bagong writer.

Umayos ako ng pagkaka-upo pag tingin sa may pintuan. Papasok si Saske. Kumunot ang noo nya matapos mag tama ang paningin naming dalawa. Agad ako'ng nag peace sign sa kaniya.

"Have you eaten?" Tanong ni Saske.

"Hindi—"

"Yeah. Katatapos ko lang," Sagot ni Thorch.

Napapahiyang itinikom ko ang bibig. Akala ko ang tinatanong niya. Medyo pahiya tayo roon, Casse. Bawi ka na lang next time o kaya sa next life mo.

Yawa.

Dinaldal ako nang dinaldal ni Thorch. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Ang atensyon ko ay na sa hagdanan nila, hinihintay na bumaba si Saske. Ilang oras pa ang nag daan pero hindi pa sya bumaba.

Don't tell me, seryoso talaga siya sa sinabi niya kagabi na puputulin niya kung ano'ng mayroon sa aming dalawa at hindi ako makakapayag doon!

"Akyat naman tayo sa kwarto ni Saske," Pangungulit ko kay Thorch.

"Huh? Why?"

"LQ kasi kami."

Bigla siyang nasamid dahil sa sinabi ko. "Are you two... Don't tell me.... K-kayo na?"

Pinalobo ko ang mag kabilang pisnge. "Complicated. Tara na..."

Hinatak ko siya patayo. Wala naman palag. Umakyat kami'ng dalawa para puntahan ang kwarto ni Saske. Wala siya roon.

"Nasaan na ‘yon?"

Kibit balikat ang isinagot sa akin ni Thorch. "Baka na sa rooftop."

Umakyat pa kami sa rooftop. Nandoon siya. Tahimik na nakamasid sa mga bubong ng bahay. Agad na bumaba si Thorch dahil masusunog ang niluluto niyang meryenda namin. Hindi siya nagulat pag lingon sa gawi ko. Ibinalik niya ang paningin sa pag tanaw.

"Galit ka ba?" Kalmadong tanong ko.

"No." Umiling siya.

"Eh, Ano? Bakit hindi ka nag rereply sa akin?"

"Required ba na mag reply ako sa ‘yo oramismo kapag nag text o tumawag ka?"

Ngumuso ako. "Hindi naman. Eh, ang cold mo. Kung nag aalala ka'ng baka malaman nila ang sikreto mo, hindi ko sasabihin. Promise. Mamatay man kapitbahay natin."

Mariin syang pumikit. "Ewan ko sa ‘yo, Casse. Pati ‘yung hindi dapat madamay, dinadamay mo sa kahibangan mo. Sometimes our jokes—your joke could offend someone. Think, think, think and think bago ka mag bitaw ng isang salita."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang