Chapter 36

1.3K 51 34
                                    

Bumuntong hininga ako.

Nanghihina ang katawan ko ngayon. Dahil siguro sa panganganak. Tatlong linggo na simula noong manganak ako. Si Brix ang nag aalaga sa bata. Kailangan kong mag pahinga para makabawi sa lakas.

Tinawagan ko si Dahlia noong nakaraan araw para sabihin sa kaniya na may anak na ako. Una nagulat siya pero bigla niyang hinanap si Steffa. Maraming nag sasabi na kamukha ko ang bata. Kinausap ko rin si Tita Toni. Hindi ko raw kailangan mag paliwanag sa kaniya. Naiintindihan niya ako. Nabalitaan ko kay Thorch na umalis si Saske. Kinuha siya ng kuya niya. Sa Venezeula niya ipagpapatuloy ang pag-aaral.

Ang lungkot lang dahil hindi niya manlang ako binigyan ng pagkakataon na patunayan kung sino talaga ang tatay ng anak ko. Ang alam ni Brix sa kaniya ko isinunod ang apilyido ng anak ko pero hindi. Hindi ko isusunod sa kaniya ang pangalan ni Steffa kahit anong mangyari.

Naramdaman ko ang kamay na humahaplos sa hita ko pataas sa tiyan. Hinampas ko ang kamay ni Brix na hahawakan sana ako sa pribadong parte!

"Ano ba!" Angil ko!

"Saglit lang, Casse," bulong niya sa tainga ko at siniil ako ng halik!

Tinulak ko siya palayo sa akin! Tumayo ako sa kama!

"Kakapanganak ko lang! Tatlong linggo pa lang! Hindi pa magaling ang tahi ko! Gagalawin mo na agad ako? Hindi mo ba kayang ipirma ang kalibugan mo?!"

"Sandlai lang—"

"Ayoko nga sabi! Hindi ako mag papagalaw sa ‘yo! Kung pinaniniwalaan mo na ikaw ang tatay ng anak ko, hanggang doon lang tayo."

Inis akong umalis sa kwarto. Ang aga-aga gusto niya mag sex kami? Ayoko. Hindi ako papayag sa gusto niyang mangyari!

Lumipas ang mga araw minsan na lang siya kung umuwi. Lasing pa minsan at may halik ng babae. Hindi ko siya pinapakialaman sa kung anong mangyari sa buhay niya.

"Kung uuwi ka, ayusin mo naman ang sarili mo. Huwag ka humarap sa anak mo kung amoy alak ka. Masama ‘yan sa bata," panimula ko.

"Tsk. Wal kang pakialam kung anong gawin ko sa buhay—"

"Wala talaga akong pakialam sa buhay mo! Kung gusto mo mambabae ka ng mambabae! Hindi kita pipigilan! Dumisenta ka sa harapan ng anak ko!"

"Disente, disente! Ulol!"

Sinanggi niya pa ang mga plato sa lamesa dahilan para mabasag ito pag tapos ay lumabas ng bahay. Hinilot kona lang ang sintido dahil sa mga ginagawa niya!

Sa una lang magaling si Brix. Tangina niya. Hiningian ko ng pera pambili ng gatas at diaper ni Steffa pero wala siyang binigay. May pambili ng alak pero walang pambili ng alak, walang pera para sa bata! Kinabitan lang kami ng kuryente ni Tita Toni. Nag papasalamat ako na kahit alam ni Tita ang nangyari, hindi siya na galit sa akin. Sa halip, tinulungan niya ako sa maliit na bagay.

"Tingnan mo ‘yung bata, may pupuntahan ako."

"Saan ka pupunta? Lalandi?"

"Tangina mo! Oo! Lalandi ako para may gatas ang anak ko!"

Tiningnan ko sandali si Steffa bago umalis ng bahay. May nakita kasi akong singing contest sa Panghulo Court. Gagamitin ko ang hidden talent para magkaroon ng gatas si Steffa.

"Contestant number five... Ms. Cassendi Jeremiah Austero. Anong kakantahin mo?"

"Do i have to cry for you by Nick Carter. Girl version," nakangiting sambit ko.

Kailangan kong manalo. Tatlong libo ang premyo o kahit manlang may place para sa pera.

"Booooo! Boooo!"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now