Chapter 14

1.3K 58 7
                                    

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mag karoon ng marami'ng pera, Uubusin ko lahat sa kaligayana ko. Pero joke lang syempre. Kulang lang ako sa tulog kaya ganito ang mga na iisip ko.

Tumuwad ako para makuha ang box sa ilalim ng kama. Hindi ko pa na gagalaw ang mga pera rito at wala ako'ng balak gastusin pwera na lamang kung kailangan na kailangan ko na talaga.

Bumaba na ang lagnat ko. Hindi kagaya kahapon na sobra'ng init ko talaga. Kamuntikan na nga ako'ng dalhin ni Thorch sa Hospital dahil sa sobra'ng nerbyos niya. Mabuti na lang at na sampal ko siya dahilan para bumalik siya sa reyalidad. Takot na takot. Mamaya raw mamatay ako sa harapan niya. Habang buhay raw siya'ng makokonsensya dahil hindi niya ako na iligtas.

Minsan nga nalilito ako kung bakit hindi si Aguta ang nagustuhan niya tutal pareho naman sila ng ugali. Sinabi ko kay mama na may sakit ako. Nag pa book na siya ng flight at bukas nandito na.

"Kung ano-ano kasi'ng iniisip mo , Cassendi Jeremian," sermon ko sa sarili. " Edi na patunayan mo rin ngayon na hindi ka ipag papalit ng mama kahit kanino? Kahit pa sa boyfriend niya..."

Isa'ng araw ako'ng hindi nakapasok sa klase dahil sa lagnat na ‘to.  Yawa kasi, eh. Akala ko ba masamang damo ako? Bakit ang bilis ko'ng tablan ng sakit? Huling lagnat ko noong grade ten. Si Dahlia at Monique ang gumawa ng excuse letter ko para exempted ako sa quiz tapos si Agusta at Patch mga wala'ng ambag sa buhay. Hayaan daw ako kasi malayo naman sa bituka ang sakit ko. Mga fake friends talaga kahit kailan.

"Uy," nakangiti'ng bati ko kay Thorch.

"Good morning, Casse," bati niya pabalik.

Pag baba ko papasok siya ng pintuan. Kinuha niya ang duplicate ng susi nito'ng bahay kagabi. Inilapag niya sa lamesa ang biniling almusal sa akin. Sinenyasan ko namn siya na maupo at saluhan ako sa pagkain. Nalulungkot kasi talaga ako kapag mag-isa lang sa hapag. Mas pipiliin ko na hindi kumain.

Nalulungkot na ako. Kailan kaya uuwi sila Tita Mildred? Ni hindi nga tumatawag sa amin. Sana naman hindi na mag crash ang sinasakyan nila'ng eroplano. Wag naman sana dahil mahal ang pampalibing. Mahigit apat sila'ng gagastuaan namin ni Mama. Baka maging purdoy ako.

"Saan na si Saske?" Tano'ng ko pag subo ng lugaw na may tokwa.

"Why don't you say thank you first before asking where's my cousin, huh?" Sarkastikong aniya.

Ibinaba ko ang kutsara sa may tasa bago siya ngitian. "Ito naman! Sorry na! Thank you pala dito sa almusal. Hindi ko na babayaran ito dahil wala ako'ng extra'ng pera. Wala naman ako'ng sinabi'ng bilhan mo ako, ‘di ba? Oh, kumusta ka naman?"

"Tss... Si Saske na sa harapan ng bahay namin, nag iihaw. Kunwari ka pa. Alam ko namang siya ‘yung inaasahan mo'ng makita kanina sa pintuan—"

"Uy, hindi ha! Promise!"

"Eyes do not lie, Casse. Tusok ko sa ‘yo ‘to'ng tinidor."

"Harsh mo naman," nakangiwing saad ko. "Pero seryoso, kumusta ka na?"

"Im fine...always."

"Kaya mo ‘yan, Thorch. Kung gusto mo'ng lumandi na at kalimutan ang magaling naming kaibigan, punta ka lang sa simbahan ha? Marami'ng kapwa sakristan si Pacco. Bibigyan ka no'n ng babae."

Tipid siya'ng ngumiti. "No need. I love being alone now..."

Akala siguro nito'ng si Thorch pupuntahan ko si Saske. Hindi na uy. Hindi niya manlang nga ako sinilip kagabi tapos ako pa mag aadjust na puntahan siya? Aba naman. Hindi porket crush ko siya, magiging desperada ako. It's a no talaga for me.

Kinuha ko ang cellphone sa may lamesa. Tumatawag si Agusta.

"Oh, ano? ano'ng nakain mo at na patawag ka aber?" Taas kilay na tanong ko.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon