Chapter 22

1.1K 48 4
                                    

"Casse!"

Taka ako'ng huminto sa pag lalakad. Pumihit ako paharap kung saan galing ang mga boses na iyon. Nakita kong tumatakbo ang tatlong bibe papunta sa gawi ko!

"Ang aga mo naman umuwi. Wala ka na nang pinuntahan ka namin sa room mo," si Jerome.

"Bakit?"

"Kinausap kasi kami ni Saske. Sabi niya na hatid ka namin pag uwian."

Pinigilan kong ngumiti. "T-talaga?"

"Keleg yarn?" Panunukso ni Kiko.

"Ikaw ang kikiligin diyan. Ayon si Karen, oh." Nginuso ko kay Kiko ang nililigawan niya.

"Shet, ang puso ko!" Biglang sigaw niya. "Aking Karen!"

Lumingon sa gawi namin ang dalawang babae. Sinoko si Karen ng isa niyang kasama. Itinuro pa ang gawi namin. Sumingkit ang mata niya bago ilabas ang malaking ngiti sa labi. Nag bayad sila sa mais vendor bago tumakbo papunta sa amin.

"Bakit hindi mo naman ako hinintay?" Nakangusong tanong ni Kiko.

"Ikaw kaya ang wala sa room mo pag punta namin ni Miles."

"Sumabay ka na sa girlfriend mo Kiko. Kami na lang ni Jerome ang mag hahatid kay Casse pauwi," nakangising saad ni Daniel.

Tumaas ang isang kilay ko matapos mawala ang ngiti ni Karen pag baling sa akin. Imposilbeng hindi niya ako maalala. Inis siyang bumaling kay Kiko.

"Una na kami, pre," paalam ko kay Kiko.

"Sure? Baka magalit si Saske na—"

"Hindi. Ayos lang. Ako na lang ang mag papaliwanag sa manliligaw ko." Diniinan ko pa ang huling salita.

Babae rin ako. Alam ko kung anong tumatakbo sa isip ng isang ‘to. Para makatulog siya sa gabi ng walang iniisip. Pasalamag siya kahit inaway noya si Dahlia, ginawa kong panatag ang dibdib niyang mala-melon.

"Sila na pala?" Tanong ko kay Jerome, tinutukoy sila Kiko at Karen.

"Oo. Kahapon lang."

"Eh, kayo? Wala ba kayong ipapakilalang girlfriend?"

"Ipakilala mo si Agusta sa akin para after ilang months maipakilala ko na sa inyo ang girlfriend ko," natatawang ani Daniel.

Mabilis ko siyang binatukan sa likuran ng ulo! "Yawa ka! Hindi na pwede ‘yon, uy. Taken na. In a relationship. May boyfriend. May iniirog. Close na ang nomination para sa panliligaw kay Agusta kasi may boyfriend na." Atsaka, buntis na siya ngayon.

"Sayang naman. Yung Monique na lang. Isa sa crush ng mga students. Maganda na matalino pa."

"Duh. May boyfriend rin ang isang ‘yon. Wala ng single sa kaibigan ko."

"Sayang!"

Kumain sila sandali sa bahay bago umuwi. Tuwang-tuwa ako sa mga kwento nila sa buhay. Ang kukulit. Ako na nga ang mag huhugas ng pinag kainan nila pero sila pa rin ang gumawa. Isa talaga sa achievement ko ngayon, may kaibigan akong mga lalaki. Ang sarap mga kasama. Hindi mo mapi-feel na pinaplastik ka o ano mang negative energy para sa ‘yo.

"How's your day?"

Nag face time kami ni Saske.

"Okay ka lang? Bakit parang may sakit ka?" Nag aalalang tanon ko sa kaniya.

Paos siya. Namumula ang mata. Parang pagod na pagod. Mukhang may sakit.

"I'm fine. Okay lang ba kung ihatid ka ng mga kaibigan ko kapag uwian?"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now