Chapter 43

1.6K 70 64
                                    

"Tatlong bibe!" Masayang tawag ko!

Tumakbo silang tatlo papunta sa akin para yakapin ako! Tinawagan ako ni Jerome na sunduin namin sila ni Steffa sa airport. Umalis silang tatlo para mag trabaho sa ibang bansa. Wala talagang iwanan kahit anong mangyari.

"Cassendi abnoy!" Sigaw ni Kiko! "Miss ka na naman abnoy ka!"

"Ang gandang bungad naman niyan," sarkastikong ani ko. "Abnoy talaga? Sa ganda kong ito? Talaga ba, Kiko?"

"Steffa baby!" Si Daniel. "May pasalubong si Ninong sa iyo. Ang laki-laki mo na inaanak ko."

"Welcome back po Ninongs."

Kumain kami sa sa restaurant malapit sa NAI report. Katabi ko si Steffa habang katapat namin silang tatlo. Parang mga patay gutom kung kumain. Akala mo hindi pinalamon ng isang taon.

"Nag kita na kayo?" Tanong ni Jerome.

Tumango ako. "Matagal na siyang nandirito. Noong kasal ni Thorch."

"Sayang nga, eh. Hindi kami naka-uwi noong kasal ni Thorch. Ubusin namin ang shanghai sa venue."

"Dapat umuwi kayo."

"Mahirap ang buhay. Kailangan ng pera. Binati naman namin si Thorch sa social media. Ganda ng asawa. Panalong-panalo ang ating Thorch. Ano name ng babae? Paterie?"

"Patcherie. Tanga mo naman," pag tatama ko na mayroong halong insulto.

"Hush. Whatever."

Karga ko si Steffa habang pauwi kami. Nakatulog sa taxi. Nahihilo raw siya. Marahan ko siyang nilapag sa coach.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. May tumatawag.

"Hmm?"

"Casendi, Nandirito ako sa may Via resto. Malapit sa palengke. Pwedeng bang pumunta ka rito para ipasa ko ang report sa ‘yo? Nag mamadali kasi ako."

"Huh? Ikaw na lang ang pumunta rito sa bahay, Janet. Walang kasama ang anak ko."

"Isama mo na, Casse. Nakikiusap ako. Tumukas lang ako sa asawa ko."

Bumuntong hininga ako. "Hintayin mo ako diyan."

Hinalikan ko si Steffa sa pisnge bago tumakbo palabas ng bahay. Sumakay ako sa tricycle papunta palengke. Saglit lang naman. Baka tulog  pa rin si Steffa pag dating ko. Matagal pa naman matulog ang isang ‘yon.

"Salamat, Cassendi."

"Welcome. May problema ba kayo ng asawa mo?"

"Ayaw na niya akong papasukin. Ewan ko ba. Alam ni Mr. Monticillo ang kalagayan ko. Pinag papasa niya na lamang ako ng report card."

"Sige, ganito. Kapag may ipapasa ka, ako na lang ang mag dadala sa opisina. Alagaan mo sarili mo. Kapag alam mong mali na ang asawa mo, iwan mo na. Mahirap makisama sa asawang minamanipula ka. Choose yourself para sa anak mo."

Dumaan ako sa bahay palengke para bumili ng ulam ni Steffa. Mag luluto ako ng kare-kare. Ito ang palagi niyang request sa akin. Walang tricycle na bakante kung kaya't sidecar na lang ang sinakyan ko. Isabay pa ang edad ng lalaki. Mahina na ang mga padyak niya.

"Ito po bayad, Tay."

"Wala akong panukli sa isang daan, ineng. Pasensya ka na. Wala pang sumasakay sa akin. Ikaw ang una."

"Sa inyo na po itong isang daan." Inabot ko ang pera. "Uwi niyo po itong ulam."

"Paano ka? Ulam niyo yan."

"Okay lang po, tay. Sa inyo na itong mga hatdog at toccino. Maiintindihan ng anak ko."

"Salamat, ineng! Pag palain ka ng Diyos."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora