Chapter 37

1.3K 55 47
                                    


Goodnight everyone. Last UD for today! I have class tomorrow. Need to focus. Study hard! Love you all always. Thank u for reading my series.

----

"Pasensiya ka na, Anak. Pagod lang si mama kaya kita na sigawan... Hindi na mauulit... Pangako. Kahit maingay ka, hindi na kita papagalitan," bulong ko sa kaniya.

Hinaplos ko ang mukha ni Steffa na mahimbing ang tulog. Akala ko kanina kukuhanin siya ni Monique. Takot na takot ako. Kapag nawala pati si Steffa, tuluyan na akong mawawala sa katinuan.

Na isip ko na hindi dapat ako nagagalit sa anak ko. Naisip ko na hindi ko dapat siya iwanan dahil lang hindi siya anak ng lalaking mahal ko.

Kahit mahal na mahal ko si Saske, hinding-hindi ko iiwanan ang anak ko. Ayokong lumaki siya na kinukwestiyon kung bakit kailangan ko siyang iwan gayong pwede naman akong manatili sa tabi niya.

Hinalikan ko ang pisnge ng bata. "I'm sorry my little one. Magiging mabuti na akong nanay."

Sinama ko muli si Steffa sa trabaho. Ang amo ko ang nag aalaga sa kaniya. Binilhan pa ito ng mamahaling gatas at diaper. May anak raw siyang namatay kaya para hindi siya malungkot, hinahayaan kong laruin niya si Steffa.

"Mag-ingat kayo sa pag-uwi!" Paalala ni Ate Janet, may ari ng ukay.

"Salmat po, Ate! Bawi po ako bukas! Agahan ko ang pag pasok."

"Naku naman ang batang ito. Huwag mo na isipin ‘yon. Ingatan mo ang baby ng ukay store!"

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko. Makulimlim na kung kaya't maaga kaming pina-uwi ni Ma'am Janet. Baka maabutan ng ulan ang baby. Mahirap pa naman mag kasakit ang sanggol.

"Dede na ang baby na ‘yan," nakangiting sambit ko kay Steffa.

Lumawak ang ngiti ko matapos siyang mag salita. 

"Ano ‘yon, Anak ko? Nag sasalita ka hindi ko naman na iintindihan. Ilang buwan ka pa lang. Huwag ka mag mamana sa nanay mong makulit at madaldal," paalala ko ulit.

Inalalayan ko ang bote para makadede siya ng maayos. Iniwan ko si Steffa sa crib. Nilinis ko ang mga kalat sa sahig. Nakangiti kong pinagmasdan ang kabuoan ng bahay.

Mag hintay ka lang, bahay. Sisigla ka ulit. Hintayin natin lumaki si Steffa. Malay mo magkaroon muli ako ng asawa at mga anak. Mas lalong masaya iyon.

Nang lingunin ko si Steffa, nawala ang ambisyon kong mag-asawa at magkaroon muli ng anak.

Kapag nangyari ‘yon, paano naman ang panganay ko? Alam kong masasaktan siya kapag may sarili na akong pamilya. Maisip ko p lamg na umiiyak si Steffa dahil sa akin, nasasaktan na ako. Hindi pa man rin nangyayari, unti-unti na ako nitong na dudurog.

"Hindi ako mag-aasawa, Anak ko. Sana alagaan mo pa rin si Mama kapag nagkaroon ka na ng pamilya sa hinaharap."

Pinag igihan ko ang pag tatrabaho. Limang buwan na si Steffa. Kailangan na mag binyag ng anak ko. Kahit hindi naman enggrande, ayos na. Basta magkaroon siya ng maayos na binyag.

Inilista ko sa papel ang mga gastusin. Umabot ng kinsemil. Malak-laki na ang ipon ko. Syempre hindi lang sa ukay ako nag tatrabaho. Maging sa onlinr rin. Sumasali pa ako ng singing contest. Oo, sumali ulit ako sa contest kung saan ako na pahiya. Ipinakita ko sa kanila na kaya ko. Na magaling akong kumanta. Na may problema lang ako noon kaya ako naging boses timbalag pero ang totoo magaling talaga ako kumanta.

At ako ang nanalo sa contest na iyon. Tumaas ang halaga ng premyo.

"Dalawang libo na lang, Anak ko, may pambinyag ka na. Kahit hindi mayaman si mama gusto ko maayos ang binyag ng baby ko na ‘yan."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now