Chapter 31

1.2K 48 5
                                    

Bumuntong hininga ako.

Nahihilo ako. Bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing tumatayo mula sa pag kakahiga. Kaya heto ako ngayon buong mag hapon na sa kama. Mabuti na lamang at sabado ngayon. Walang klase. Makakapag pa hinga ako ng maayos.

Baka ulcer na ‘to?

May namatay akong kaibigan two years ago. Pwede pa naman raw magamot ang sakit niya pero mas piniling huwag na kasi mahal ang mga gamot. Gusto niya na rin sumunod sa lola niya. Sobrang sakit ang nararamdaman ko noong nalaman ko iyon. Hindi ako pumunta sa burol niya kasi di ko kayang  makita ang katawan niyang wala ng buhay.

May sobrang pera pa naman ako para mag pacheck-up sa doctor. Health is wealth.

"Bukod sa masakit ang tiyan mo, ano pa ang nararamdaman mo? Nahihilo ka ba? Nag susuka?"

"Opo, Doc. Ang sakit rin po ng ulo ko."

"Kailan huling regla mo?"

"Hindi ko po alam... Irregular po kasi ako. Minsan hindi ako rereglahin ng isang buwan. Ganoon, Doc."

Tumango siya. "Alright."

Inabot niya sa akin ang pregnancy test. "Test yourself."

"Ho?"

"Test yourself, Ms. Austero. Pag lagay mo ng urine takpan mo agad. Ibigay mo sa akin and then ako ang unang titingin para hindi ka mabigla."

"S-sige po."

Pumunta ako sa cubicle. Pinilit kong maihi kahit hindi ako naiihi. Punyetang doctor ito. Ilalabas ang almuranas ko. Katulad ng utos niya, hindi ko tinagnan ang pregnancy test. Umayos siya sa pag-upo nang makita akong papasok. Inabot ko sa kaniya ang resulta.

"Do you have boyfriend?"

"Kaka-break lang po."

"Still virgin?"

"D-doc?"

"Answer me, honestly."

"Yes, Doc... Virgin pa—"

"You are pregnant."

Mahabagin. Tinawag ko lahat ng santo. Hindi mag sink-in sa utak ko ang mga sinabi ng Doctor. Dahan-dahan ang lakad ko habang palabas ng room ni Doc. Tamara. Inilasta niya ang mga gamot na iinumin ko.

Ako yung huling nag ka boyfriend sa amin pero pangalawa ako sa na buntis?

Anong gagawin ko? Titigil ba ako sa pag-aaral? Paano kami mabubuhay? Sino makakatulong ko sa pag alaga? Masakit ba manganak? Saan ako kukuha ng pera para sa hospital?

Potaena. Yawa talaga. Mahabagin.

Kinabukasan pag pasok sa school, nag kakasiyahan silang lahat kasama ang Teacher namin. May pakain si Ma'am Wong. Kumg hindi ko lang nalaman na buntis ako, makikisali ako sa kaguluhan nilang lahat.

"Casse! Late na naman! Tara na!" Si Sunny.

Tumango ako. "Sige lang. Kayo na muna."

Lumingon ako kay Saske na tahimik na naka-upo sa likuran. May earphone siya sa tainga habang nakatanaw sa labas ng room. Tanging kaming dalawa ang hindi sumasali sa kasiyahan nila. Iniwas ko ang paningin nang mag tama ang mga mata namin.

Lumabas ako ng room para mag pa hangin. Bawat room na madaraanan ko may salu-salong na gaganap. Malapit na kasi mag end ang school year kaya siguro ganito ang ganap. Last year naman nag swimming kaming freshman.

Hinawakan ko ang tiyan. Maliit pa. "Anong gagawin natin?" Bulong ko.

Nakaabang si Saske sa pintuan ng classroom.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now