Chapter 13

1.2K 62 4
                                    


Taena'ng puson ‘to. Pwede ba'ng hindi na lang ako reglahin?

Charot!

Kapit ka lang aking mens dahil sa oras na mawala ka, patay tayo'ng dalawa kay mama—dadamay ko na rin kung ano na yung na sa loob ng tyan ko. 

Halos bumukaka na ako sa harapan ng nanay ko kakatingin sa alaga ko kung bakit hindi pa nilalabasan ng dugo. Masakit yung puson ko pero wala naman ako'ng regla.

"Monique," mangiyak-ngiyak na tawag ko. "Monique!!"

"Uh?" Takang aniya. "Ano'ng nangyari sa ‘yo? Bakit sumisigaw ka dyan?"

Ping buksan niya ako ng gate. Sinalubong ko sya ng yakap.

"Hindi ka ba masaya na nandito ako?"

"Hindi."

"Luh, ganyanan ha? Bakit ang sungit mo?" Ngumuso ako.

"Eh, paanong hindi mag susungit sa ‘yo? Pwede mo naman ako'ng tawagan para abangan kita dito sa gate. Binubulabog mo ‘yung mga kamag-anak ko."

"Ah," tango-tanging sabi ko. "Na sa iisang compund lang pala kayo. Iba talaga pamumuhay ng mayaman. Wala ka ba'ng chismosang tita dito? Boring naman ng buhay mo. Hindi mo naranasan sumilip sa pintuan o bintana sa tuwing may nag-aaway."

Ngumiti siya. "We don't do fights here. We discuss it."

"Nuks! Hindi ko afford talaga ang life style mo! Sa amin kasi barahan. Lalo na ‘yung kamag-anak dati nila mama. Bata pa ako noong nangyari ‘yon pero girl!! Tandang-tanda ko pa!"

"Alin?"

"Ine-echos ako ng tita ko! Sabi ba naman bakit ang itim-itim ko! Mukha ako'ng ulikba!"

Tumawa siya ng malakas. Pinapasok noya ako ng gate at sabay kaming nag lakad.

"Buti hindi mo sinaktan tita mo? Mapanakit ka, eh."

"Alam mo sabi ng nanay ko?"

"Hmm? Ano sabi ni Tita Cani?"

"Takot dati si mama sa babaeng ‘yon pero pinagtanggol niya ako. Sabi ni mama sa kaniya na kahit daw mukha ako'ng ulikba, hindi naman daw ako na buntis ng maaga kagaya ng anak niya. Pero masama pa rin ang loob ko kay mama! Kinikimkim ko pa rin ‘yon hanggang ngayon!"

"She protects you and still hate her?"

"Duh! Ang akin lang kung ipag tatanggol ako ni mama sana tinanggi niya na mukha ako'ng ulikba. Inamin pa niya. At talagang aminado pa."

Pumunta kami saglit sa lolo at lola niya. Ang ganda ng awra nila. Ang aliwalas. Si Monique lang ata ang may matinong pamilya. Karamihan sa pamilya ng tropa puro may saltek sa mga utak.

Hindi ako makapag-biro dahil nandirito si Ruston sa sala nila Monique. Tahimik lang siyang nag kakape.

Kinalabit ko siya. "M-may... May saltik ka ba?"

Nag dugtong ang dalawa niyang kilay. "Huh?"

"Eh, kasi dapat kinaka-usap mo kami kasi kaibihan kami ng asawa mo."

"I don't talk to strangers. I'm sorry. Just talk to Monique's brother if you want. Gotta go. Excuse me."

Sinundan ko siya ng tingin palabas ng pintuan. Ang sungit! Akala mo naman sobra'ng gwapo. Pareho sila'ng may saltik ni Saske. Long lost brother ata.

Mag hapon kami'ng kumain at nag kwentuhan ni Monique. Pinahatid niya ako sa driver nila pa-uwi.  Bakit ako tatanggi sa grasya? Minsan lang ako makasakay sa de-aircon na sasakyan kaya grab the opportunity. Salamat talaga sa nanay ko at hindi niya ako pinalaki'ng pabebe.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now