Chapter 21

1.2K 46 6
                                    

"Why do I like you? To be honest, I'm not sure, but I guess it's your silly jokes that make me giggle in my mind, your chatty lips, your kindness, and your spirit... It was quite pure."

Hinampas ko siya sa braso. "At talagang walang word na maganda?"

"I was talking about your personality."

"Kahit na! Damat nilagyan mo pa rin ng maganda! Walanjo ka! Nag papa-humble lang ako!"

Itinulak ko siya palayo nang akmang yayakapin ako. Ano chansing? Ayoko nga. Atsaka niya na ako yakapin kapag boyfriend ko siyan. Ngayong manliligaw pa pang, mag tiis siya sa pag tanaw-tanaw sa akin.

Umahon ako ng pool. Nginitian ko ang tatlong bibe na nag haharutan sa kabulang lupalop ng pool. Pinag tutulungan nila si Kiko. Kawaang k
Kiko. Hindi pa nga sure kung sasagutin ng nililigawan tapos binubully pa ng mga kaibigan.

Nang maluto ang mga pagkain, umahin na rin sila.

"Edi half ka rin, pre?" Rinig kong tanong ni Daniel.

"Hmm. Half british-spanish and filipino," sagot naman ni Thorch. "Half filipino and spanish si Saske."

"Paano kayo naging mag pinsan?" Si Kiko.

"Mag kapatid ang nanay namin."

"Ganda ng lahi niyo, pre! May kambal akong babae. Nag hahanap ng asawa. Palahi naman kami Thorch," sabat ni Jerome.

"I'm not available. Next time na lang."

"Biro lang!"

Tahimik akong nakikinig sa usapan nila habang kumakain. Si Toni na sa loob ng kwarto, nag papalamig sa aircon. Inaantok na raw siya. Kumuha ako ng spaghetti at chicken finger. Mabuti na lang may ganitong handa. Nag lagay ako ng coke sa baso.

"Casse..."

"Hmm?" Bumaling ako kay Saske.

"Nothing. Ano pang gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Busog na ako. Hindi ka ba uupo? Ako ang nangangalay sa ‘yo sa pag tayo mo, eh."

"Ah, right. Pwedr ba ako umupo sa tabi mo?"

"Go on."

Busy silang apat na mag kwentuhan sa ilalim ng puno. Na-iwan kami ni Saske sa cottage. Si Jerome ang nag buhat ng isang case ng San Mig. Mag iinom sila nila Thorch.

"Mag tatanong na ako."

"Sige lang. Huwag masyadong personal katulad ng kung birhen pa ako—birhen pa talaga ako since birth."

"Kapag nag patong-patong ang problema mo at suicide na lang ang sagot sa lhat, gagawin mo ba?"

Patong na problema? Hindi ba pwedeng ikaw na lang ang pumatong sa akin? Charot.

"Ano ba naman ‘yang tanong mo. Bakit tayo na punta sa suicide?"

"Just answer."

"It's a big no for me! Aba! I'm disagree! Hiram lang natin ang buhay kaya hindi dapat sayangin. Diyos lang ang may karapatang bumawi nito. Don't tell me nag paplano ka'ng magsuicide ha?"

"Oo, dati."

Naibuga ko ang pagkain sa bibig! Inilapag ko sa lamesa ang pagkain at humarap sa kaniya.

"Bakit? Ano ba iyang problema at na punta ka na sa suicide?"

"Darkness moment of my life was when my mom cheated on my dad."

Lumingon ako sa paligid para tingnan kung may ibang nakakarinig sa amin. Nakahinga ako ng maluwang nang kami lang ang tao rito bukod sa apat na nag iinom. Mga busy sa kwehtuhan.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now