Chapter 15

1.3K 48 10
                                    

"Casse, Anak. Casse? Gising na diyan, Anak ko."

Kinusot ko ang mata. "Hmm?"

"Nahihilo ka pa ba?"

"M-mama? Kailan pa po kayo dumating?"

Kahit nahihilo ay umupo ako sa kama. Bukas na ang bintanang sinarado ko kagabi. Ang mga kalat sa sahig ay wala na rin. Tirik na tirik na ang araw. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Kaming dalawa na lang ni mana ang nandirito.

"Sinong hinahanap mo, Anak? Nandito na si mama. Gusto mo na ba'ng pumunta sa Hospital?" Nagaalalang tanong ni mama.

"Hindi na po. Gumaan na po ang pakiramdam ko."

Iniwan ako ni mama sa kwarto. Bumaba siya para mag luto ng tanghalian naming dalawa. Hinimashimas ko ang batok. Kagabi lang sobrang taas ng lagnat ko tapos wala na ngayon?

Ganito ba talaga kapag maganda? Mabilis mawalan ng lagnat?

Dinampot ko ang cellphone sa may lamesa. Tatawagan ko si Saske. Hindi ko alam kung paano siya nakalabas ng bahay. Iniwan niya ba akong mag-isa? Baka nga ganoon. Kasi kung naabutan siya ni mama rito, aasarin na naman ako. Alam kong hindi sila nag kita ni mama dahil wala akong na tatanggap na mga salita sa nanay ko.

"Hmm?" Tipid na sagot niya.

Wow, one call away lang.

"Good morning. Gusto mo ritong mag almusal sa bahay?"

"Why?"

"Duh." Umirap ako. "Thank you pala sa pag-alaga sa akin. Sabi mo wala kang gusto sa akin? Pero bakit ang bait mo?"

"Tss. Ang aga-aga."

Ngumiti ako. "Kung wala akong pag-asa sa ‘yo, may pag-asa ka naman sa akin."

"Sa tingi ko mukhang magaling ka na. Umaandar na naman pagiging tililing mo, eh. Ibababa ko na ang tawag. Wala pa akong tulog."

"Uy sabi na, eh!" Pang-aasar ko! "Binantayan mo ako kaya ka walanv tulog ano? Nako po! Masama na yan ha! Mamaya nakangiti ka na habang nag sasandok ng kanin."

"As if... Bye."

"Ang sweet mo talaga. Grabe. Punta ka dito ha? Tapos may girlfriend ka na?"

"I don't have girlfrien—"

"Edi may pag-asa ak—Hello? Hello? Aba talaga!" Singhal ko sa cellphone!

Pinatayan ako ng tawag!

Nakangiti ako'ng tumayo ng kama. Sarap mabuhay sa mundong ibabaw! Iba talaga kapag may inspirasyon sa pang araw-araw. Baka ako na talaga ang next na magkakaroon ng love life sa tropahan! Lugi pa ba si Saske sa akin? Kaya kong gawin yung research paper.

"Eh, mas matalino siya sa ‘yo, Casse. Talo ka," biglang saad ko sa harapan ng salamin.

Ang laki na ng eyebags ko. Mukha akong kalansay ngayon. May iilang pimples ang tumubo sa noo ko. Taena talaga. Hindi ba pwedeng i-schedule ang pagkakaroon ng pimples? Kapag talaga nakapunta ulit ako sa bahay ni Agusta, hihingian ko siya ng maraming-maramung beauty product.

Pag baba ko nakahain na ang pagkain. Ngumiti ako bago nag lakad palapit kay mama. Yinakap ko siya sa likuran.

"Ang bango-bango naman ng mana ko. Na miss kita, Mama."

"Susmaryosep na bata ito."

"Hindi mo ba ako na-miss?" Nakangusong tanong ko.

"Aba'y na-miss ko ang nag iisa kong dalagita. Umupo na tayong dalawa para makakain ka."

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now