Chapter 10

1.3K 54 10
                                    

Naramdaman ko na lang ang muli niya'ng pag buhos ng tubig sa mukha ko.

"My gosh!" Mariing sigaw niya na dinuro pa ang pag mumukha ko!

"Pumunta ako rito para kuhanin ‘yung pera," Kaswal na saad ko. Kinuha ko ang bag na may lamang pera. "Huwag ka'ng mag-alala, Ma'am... Titigilan ko na ang asawa mo."

Muli ko'ng tiningnan si Papa na seryoso'ng nakatitig sa akin. Tipid ko siyabg nginitian bago lumabas ng retaurant.

Taena talaga.

Grabe'ng kahihiyan ang natamo ko ngayong araw.  Tinahak ko ang daan para tumawid sa kalsada. Pumasok ako sa kulay itim na gate ng San Bartolome Church. May maliit na puno sa gilid ng simbahan. Nakalagay roon ang hindi kahabaang upuan na gawa sa kahoy. Mapalad ako ngayong araw dahil wala'ng naka-upo roon. Sobrang tirik ng araw. Mabuti na lang talagat at naka-silong ako sa dahon ng puno.

"Ano'ng gagawin ko sa ‘yo?" Takang tanong ko sa hawak na bag. "Masaya naman ako kapag na bibigyan ng pera pero bakit kanina... Wala ako'ng maramdaman na kasiyahan kahit konti? Tsk. Sa pag kaka-alam ko, Mukha ako'ng pera," Iling-iling na bulong ko.

Tumingala ako sa kalangitan. Medyo makulimlim. Inilibot ko ang paningin sa labas ng simbahan. May iilang nakaparadang kotse at mga taong papasok sa loob nito. May iilan ring nag titinda ng miryenda.

Pinulot ko ang maliit na bato. Umupo ako nang pa squat at nag drawing ng araw sa sementong lupa. Dati noong bata ako, ginagawa ko ito kapag ayaw ko'ng umulan. Wala pa naman ako'ng dalang payo'ng ngayon.

"Ulan ulan umalis ka na... Bumalik ka na lang sa ibang araw," Paulit-ulit na kanta ko.

Bumalik ako sa pag kaka-upo sa may kahoy. Sana talaga pag uwi ko wala sa bahay si mama. Hindi niya matatanggap ang mga pera'ng ito. Dapat pala humingi pa ako ng mas malaki tutal hindi ko na rin makikita ang tatay ko.

Medyo masakit ‘yung natanggap ko kanina. Medyo lang naman.

Wala si mama sa bahay. Huli na ng makatanggap ako ng message niya. Pumunta Divisoria para mamili ng mga gulay. Umakyat ako sa kwarto. Hinatak ko ang kulay dilaw na box sa ilalim ng kama para doon ilagay ang ito. Ni-lock ko rin para hindi makita.

Tumagilid ang ulo ko. Idadahilan ko na lang sa kaniya na tumama ako sa lotto. Sana talaga maniwala ang nanay ko sa akin. Kilalang-kilala ako ng babaitang ‘yon. Kapag nag sisinungaling pa naman ako, hindi ko makatingin ng diretso sa taong sinasabihan ko. Na gi-guilty ako. Tagos hanggang buto.

Kinabukasan, na huli ako sa unang subject. Hindi naman ako pinagalitan ni Ma'am. Baka kutusan ko siya ng malala kapag nangyari ‘yon. Ngayon lang ako na late. Sisihan niya ang mga sasakyan na nag cause ng traffic. Maaga kaya ako'ng na gising ano! Palagi ako'ng huli sa lakas naming mag kaka-ibang pero kailanman hindi ako na huli sa klase.

"Oh."

Inangat ko ang tingin kay Saske. Nakatayo siya sa harapan ko ngayon. Bumaba ang tingin ko sa hawak niya'ng cold coffe.

"Sa akin?" Gulat na tanong ko.

Tumango siya. Hinatak niya ang katapat ko'ng upuan at umupo.

"Nakita ko ‘yung nangyari sa yo kahapon sa restaurant."

Mas lalo ako'ng na gulat dahil sa sinabi niya.

"Ikaw ha! Akala ko ba pupuntahan mo si Isabela? Bakit sumunod ka sa akin?" Nakangising asar ko.

Tinarayan niya ako. "Well, doon kami nag kita ni Isabela. Papasok pa lang kami sa restaurant na kita na kita may ka-usap na lalaki. Sisigurin niya kayo pero pinigilan ko siya. Noong una naguguluhan ako sa inaasta niya not until dumating ‘yung mama niya... ‘yung babaeng nag tapon sa yo ng tubig ba ‘yon?"

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang