Chapter 4

1.5K 51 10
                                    

Ito na nga. Pinaningkitan ko ng mata si Monique. Wala kasi ako'ng magawa sa bahay, kaya nandirito ako sa pamamahay nila, nakiki-bahay ba. Ang iingay ng mga pinsan ko. Akala mo mga na sa gera.

"Nasaan na ‘yung mga kuya mo?" Takang tanong ko.

Inabot nya sa akin ang Chips. "Sa kwarto naman palagi ‘yung mga ‘yon."

Ito si Agusta porket may na gugustuhan ngayon, hindi sumasama sa amin. Dati-rati sya pa ang nag-aaya na mag sleep over kami o kaya gumala.

"Sa tingin mo, Wala kaya talaga'ng feelings si Chet Montini kay Agusta?" Napapa-isip na sambit ni Monique.

"Ay teh! Dyan ka mali! Mayroon!"

"Eh, bakit sabi nya sa gc... Hindi naman siya type."

"Hindi raw type," natatawang sabi ko. "Kung hindi siya type mag tatanong ba sa akin ‘yon kung ano'ng lagay ni Agusta?"

"Weeh? Baka naman as a friend. Kaya kayo nasasaktan kasi mga assumera kayo."

"Alam mo, akala ko talaga mabait ka. Grabe ka mang real-talk talaga," iling-iling na saad ko.

"Mhunzun!" Sigaw ko matapos sya'ng makitang pababa ng hagdanan.

"Ow, hi!"

"Ang gwapo mo talaga!" Papuri ko.

"Naka-singot ka ba?"

"Pasalamat ka, kapatid mo si Monique dahil kung hindi.." tiningnan ko siya ng masama. "Jojowain talaga kita, sinasabi ko sa ‘yo!"

"Go on. Single rin naman ako."

Tumili ako dahil sa kilig! "Paasa ka! Alam ko namang hindi mo type ‘yung mga katulad ko!"

"Buti alam mo. Alis na ako."

"Ingat, baby!"

"Enjoy rito sa bahay, Baby."

Pinag babato ko dya ng unan! "Nakaka-inis ka talaga, Mhunzun! Napaka mo!"

Sabado ngayon at wala naman akong ginagawa sa bahay kaya nag tagal ako sa bahay nila Monique. Ang daming pagkain sa ref! Tapos pati sa sala may centralized aircon! Kung pwede lang ako'ng tumira rito ginawa ko na.

Namili ako sa tatawid ng mga ititinda sa lunes. Nakaka-umay naman kasi kung paulit-ulit ng kakainin ‘yung mga kaklase ko lalo pa't may nag titinda rin sa kabilang room. Baka bakuran pa ang teritoryo ko. Hindi ako makakapayag.

"Hoy!" Sita ko sa mga pinsan. "Rinig na rinig ang mga ingay nyo sa labad! Nasaan si ba ang mama nyo?"

"Na sa palengke, Ate," Tipid na sagot ni Isa.

Sya ang panganay na anak ni Tita Mildred. Minsan nga iniisip ko na baka hindi namin siya ka-pamilya. Bukod tanging siya lang ang may mahinhin na boses sa amin. O baka sugo talaga sya ng demonyo? Charot. Baka kulamin ako ng babae'ng ‘to. Takot pa naman ako sa mga ganoong bagay. Ayon ata ang magiging dahilan ng maaga ko'ng kamatayan. Nag tipa ako ng messages para kay ate Sarian.

Casse Austero: Goodluck sa journey, ate ganda!

Ma. Sarian Arevallo: Thank you, baby girl!

Casse Austero: la bang gift dyan?

Ma. Sarian Arevallo: I'm busy, bunso'y. Next time bawi ako sa inyo ni Agusta.

Nag suyod ako para naman mawala ang mga alaga ko sa ulo. Mahirap na. Baka si Saske babe pa ang makakita na may nag lalambitin na mga kuto at christmas light na lisa.

Meet me in San Bartolome Church (Malabon Series #4)Where stories live. Discover now